Bolts vs Mixers; Boosters kontra Texters 4-teams mag-uunahan sa Game 1

MANILA, Philippines - Sisimulan ngayon ng apat na koponan ang kani-kanilang best-of-three quarterfinals series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup.

Magtatagpo ang nagdedepensang San Mig Coffee at ang Meralco sa ganap na alas-5:15 ng hapon, habang magsasagupa sa alas-7:30 ng gabi ang three-time PBA Philippine Cup champion Talk ‘N Text at Petron Blaze sa Smart Araneta Coliseum.

Bitbit naman ng No. 1 Alaska at No. 2 Rain or Shine ang ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 Air21 at No. 7 Ginebra, ayon sa pagkakasunod.

Nanggaling sa panalo ang Boosters at ang Bolts sa kani-kanilang mga hu­ling laro sa elimination round.

Tinalo ng Petron ang Talk ‘N Text, 87-76, kung saan tumipa si seven-foot import Henry Sims ng 22 points kasunod ang 17 ni No. 1 overall pick June Mar Fajardo, samantalang tinakasan ng Meralco ang Rain or Shine sa overtime, 118-116.

“For us to be able to beat Talk ‘N Text sa series, lahat talaga dapat maganda ang laro eh,” sabi ni coach Olsen Racela sa kanyang mga Boosters. “Best of three lang ‘yan eh. The first game is going to be very important.”

Makakatapat ni Sims si Jerome Jordan, kahawig ni Kelly Williams, na siyang pumalit kay Donnell Harvey.

Sa unang laro, hangad naman ng Mixers na talunin ang Bolts sa ikatlong sunod na pagkakataon ngayong komperensya matapos kunin ang 97-90 at 76-71 tagumpay sa eliminasyon.

“We just played Meralco in our last game so we’re both familiar with each other,” ani mentor Tim Cone ng San Mig Coffee. “They are a tough match-up for us with (Eric) Dawson, (Mark) Cardona & (Chris) Ross.”

Gusto naman ni Bolts’ coach Ryan Gregorio na sakyan ang kanilang overtime win sa Elasto Painters sa pagsagupa sa Mixers.

 â€œIt’s an important win for us because it primed ourselves up for an opportunity to make the semifinals via a best-of-three,” wika ni Gregorio, muling sasandal kina Dawson, Cardona at Ross bukod pa kina Ronjay Buenafe, Reynel Hugnatan at Sunday Salvacion.

 

Show comments