2 FEU players ‘di sisibakin sa line-up

MANILA, Philippines - Hindi matatanggal sa line-up ng FEU Tamaraws sina American center Anthony Hargrove, Jr. at Canadian Adam Mohammed na nahulihan ng dalawang marijuana sticks at sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana noong Pebrero 27 sa panulukan ng Recto Avenue sa University Belt area malapit sa FEU campus.

Sinabi kahapon ni FEU president Anton Montinola na mahaharap lamang sina Hargrove at Mohammed sa disciplinary action.

“Subject sila sa disciplinary action ng eskuwelahan, internal dsiciplinary action kasi na-break nila ‘yung curfew,” ani Montinola. “Possible na may suspension pero may investigation pa ang school regarding the matter.”

Sa kanyang UAAP debut noong nakaraang season, naglista si Hargrove ng mga averages na 7.6 points, 7.7 rebounds at 1.1 shotblocks para sa Tamaraws, habang nagsisilbi naman ng kanyang residency si Mohammed.

Isinailalim ng FEU sina Hargrove at Mohammed sa drug test at napatunayan na negatibo ang dalawang Tamaraws sa paggamit ng marijuana at iba pang ipinagbabawal na gamot.

Show comments