Holyfield dumating sa Pinas, tutulong sa mga biktima ni ‘Pablo’

MANILA, Philippines - Dumating sa bansa si dating world heavyweight boxing champion Evander Holyfield para tumulong sa relief operations sa mga nabiktima ng bagyong ‘Pablo’ bilang bahagi ng Global Village Champion Foundation.

 Nahirang sina Holyfield, dumating kasama si GVCF founder Yank Barry, ng GVCF at boxing legend Muhammad Ali bilang “Goodwill Ambassador” upang tulungan ang mga nasalanta ni ‘Pablo’ sa Mindanao.

Si Filipino champion Manny Pacquiao ay isa ring Goodwill  Ambassador for Asia ng nasabing foundation.

 Pamumunuan nina Holyfield at Pacquiao ang naturang relief operations.

Show comments