So umiskor kay Torre

Tagaytay City, Philippines  --- Tinalo ni Super Grandmaster Wesley So si GM Eugene Torre sa second round ng Asian Zone 3.3 Chess Championship noong Miyerkules ng gabi dito sa Tagaytay International Convention Center.

Tangan ang itim na piyesa, tinalo ng 19-anyos na si So si Torre sa 38 moves ng Torre Attack.

Itinaas ni So sa 2 points para makasalo sa 1st hanggang 5th place kasama sina second seed GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam, defending champion GM Susanto Megaranto ng Indonesia, GM Mark Paragua at GM Darwin Laylo ng Pilipinas.

Iniligpit ni Ngoc Truong Son si US-based GM Ban­jo Barcenilla sa 28 moves ng King’s Indian defense.

 

Show comments