Kerber nakalusot sa American teenager

MELBOURNE, Australia- Ipinagdiwang ni Angelique Kerber ang kanyang pang-25 kaarawan mula sa 6-2, 7-5 paggupo kay American teenager Madison Keys sa third round ng Australian Open.

Umabante ang fifth-seeded na si Kerber sa fourth round, ang kanyang pinakamataas na nara­ting sa anim na beses na pagla­laro niya sa Australian Open.

Dinalhan ng local organizers si Kerber ng cake sa tennis court matapos ang laro at kinantahan siya ng mga manonood sa Rod Laver Arena ng “Happy Birthday.”

Matapos hipan ang kandila ay nagpasalamat siya sa mga tao at maging sa 17-anyos na si Keys.

Sunod na makakasagupa ni Kerber si No. 19 Ekaterina Makarova ng Russia, umiskor ng 6-7 (4), 6-3, 6-4 tagumpay laban kay 2007 Wimbledon finalist Marion Bartoli.

Nagtala naman si fourth-seeded Angieszka Radwanska ng 6-3, 6-1 panalo kay Briton Heather Watson.

 

Show comments