HCHS ‘di magpapahuli sa mga kalaban sa Shakey’s T-of-C

MANILA, Philippines - Lalaban ng sabayan ang Hope Christian High School sa gaganaping Sha­key’s Girls Volleyball Tournament-of-Champions na magsisimula sa Lunes sa Ninoy Aquino Stadium.

Ibabandera ng MVP na si Justine Dorog, ang HCHS ang siyang nagde­depensang kampeon pero mapapalaban sa walong mahuhusay na local teams at ang bisitang Australian team.

Makakatulong ni Dorog sina Desiree Cheng, Bel Molde at Chester Ong na nagsanib-kamay nang talunin ang Colegio San Agustin sa finals ng NCR Leg kamakailan.

Ang liga ay inorganisa ng Shakey’s Pizza at suportado ng Toby’s Sports, Mikasa at Tune Hotels, ang iba pang kasaling local teams ay ang  kampeon mula Northern, Central at Southern Luzon; Eastern at Western Visayas at  Minda­nao.

Ang inaasahang mapa­paboran ay ang Aussie team  na mula State of Victoria na pangungunahan ng tatlong national youth players na sina Hannah Wright, Kat Jannssens at Letitia Sindt bukod pa sa mga ma­huhusay na sina Kate Hutchinson, Lucy Konjarski, Katie Bacon at Nikita Peril.

 

Show comments