Hayaan si Reyes na pumili ng manlalaro - Black sa PBA

MANILA, Philippines - Hindi maituturing bilang pinakamahusay na koponan ng bansa ang isang team kung limitado ang pagpili ng mga manlalarong pipiliin.

Sa linyang ito, hiniling ni Talk N’Text champion coach Norman Black sa pamunuan ng PBA na ha­yaan na lamang si national coach Chot Reyes na mamili ng manlalarong sa kanyang palagay ay makakatulong para makabuo ng pinakamalakas na koponan na ipanlalaban sa FIBA-Asia Men’s Championship na gagawin sa bansa mula Agosto1 hanggang 11.

Naunang nagpasabi ang PBA na handa silang magpahiram ng manla­laro na isa bawat koponan upang pantay na magkaroon  ng representante ang 10 koponan sa liga.

“I don’t think the proposal has been approved. They should give coach Chot the free hand to choice players he want to from the pool. There are a number of PBA teams who have two to three players who can help the national team,” wika ni Black.

Bukod sa libreng pagpili ng manlalaro, dapat din ay humanap ng paraan ang mga taong nasa likod ng Pambansang koponan na matiyak na magkakaroon  ng sapat na paghahanda ang  team.

“I do believe we can achieve a top three finish especially if we can solve these problems,” ani Black.  

 

Show comments