Rematch kay Viloria itutulak ng kampo ni Marquez

MANILA, Philippines - Kahit sa anumang paraan ay pipilitin ng promoter ni  Hernan  ‘Tyson’ Marquez na makakuha ng rematch kay Filipino unified world flyweight champion Brian ‘The Ha­waiian Punch’ Viloria.

Tatlong beses pinatumba ni Viloria si Marquez para agawin sa Mexican ang hawak nitong World Boxing Association flyweight belt noong Nobyembre 17, 2012 sa LA Sports Arena sa Los Angeles, California.

Sinabi ni Viloria (32-3-0, 19 knockouts) na kung wala siyang makakalaban sa flyweight division ay aakyat siya sa super flyweight class para sa panibagong korona

Sinabi ni Fernando Beltran, ang presidente ng Zanfer Promotions at promoter ni Marquez (34-3-0, 25 KOs), na pi­pilitin niyang maplantsa ang Viloria-Marquez rematch.

Subalit kung aakyat ang 32-anyos na si Viloria, ang WBA at World Boxing Organization flyweight champion, sa super flyweight division ay isa pang Filipino fighter ang ma­aaring makaharap ni Marquez.

Ito ay si Milan Melindo , ayon kay Beltran.

“We are going to pursue a rematch with Viloria in the second half of 2013,” ani Beltran. “But if Viloria decides to move up in weight to super flyweight, then Tyson will go after the vacant WBO title, against Filipino Milan Melindo.”

“Hernan Marquez has our full support. He is a fighter of great courage and the public likes him, television likes him. He is young, healthy and very dedicated, and cer­tainly will be a world champion again,” dagdag pa ni Bel­tran sa 24-anyos na si Marquez.

Nasa listahan din ni Viloria si Mexican light flyweight titlist Roman Gonzales (34-0-0, 28 KOs).

Show comments