OKLAHOMA CITY--Hindi ininda ni Russell Westbrook ang kanyang sumasakit na kaliwang balikat para umiskor ng 19 points at tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 108-88 panalo laban sa Toronto Raptors.
Nakasuot ng itim na padded sleeve para protektahan ang kanyang sumasakit na kaliwang balikat, nilimita ni Westbrook ang leading scorer ng Raptors na si Kyle Lowry sa 2 points mula sa 1-of-4 shooting.
Inilabas si Lowry sa 1:29 sa second quarter bunga ng isang right ankle sprain at hindi na bumalik pa para sa Toronto.
Nagdagdag si Serge Ibaka ng 17 points para sa Thunder, nagposte ng isang 29-point lead sa harap ng kabuuang 18,203 manonood.
Binuksan ng Thunder ang laro sa pamamagitan ng isang 30-17 run atake at hindi na nilingon pa ang Raptors.
‘’I thought the start was a big part of our win tonight,’’ ani Oklahoma City head coach Scott Brooks.
Dalawang gabi matapos ang kanilang nine-point loss sa Atlanta, kinontrol ng Oklahoma City ang laro at pinuwersa ang Toronto na tumira sa labas.
Sa Chicago, isinalpak ni Loul Deng ang 15 mula sa kanyang 23 puntos sa second half upang banderahan ang Bulls sa 99-93 pananaig laban sa Orlando Magic.
Nagtulong sina Deng at Nate Robinson sa ibinabang 15-2 bomba sa second half upang palawigin ng Bulls ang kanilang limang puntos na kalamangan tungo sa walo na di na nagawa pang habulin ng Magic.
Sa Denver, umiksor si Andre Iguodala ng anim mula sa kanyang 17 puntos sa final 3 minuto ng laro at para tulungan ang Nuggets sa 109-97 panalo sa Detroit.
Tumapos naman si Greg Monroe ng 27 puntos para sa Pistons, na nalasap ang kanilang ikaapat na sunod na kabiguan.