PBA on AKTV app inilunsad ng TV5 at Smart

MANILA, Philippines - Nagtambal ang Smart Communications Inc. at ang Sports5 para sa pagkakaroon ng PBA on AKTV app, isang bagong application para sa Android mobile phones kung saan mabibigyan ang mga PBA fans ng extra access tungkol sa nangyayari sa liga, sa mga koponan at man­lalaro.

Maaari nang makuha sa pamamagitan ng libreng download sa Google Play online store at sa susunod ay sa Apple app store, ang locally developed app ang mag­bibigay sa mga Filipino basketball fans sa buong mundo ng live scores, statistics, game alerts at iba pang bagay sa pamamagitan ng pagpindot sa buton.

“With 24/7 access to league information and the abili­ty to share thoughts via social networking, this ‘se­cond screen’ app redefines Philippine basketball for the mobile generation,” sabi kahapon ni Mitch Padua, ang Smart head for internet pro­ducts.

Malugod namang tinanggap ni PBA Commissioner Chi­to Salud ang inobasyon na ipinakilala ng kanilang te­levision partner.

“We’re very grateful to be promoted this way. As a pro­duct, the PBA needs accessibility. We welcomed this ac­cess enhancement,” sabi ni Salud.

 

Show comments