^

PSN Opinyon

Madaling sabihin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAIS ni President Bongbong Marcos Jr. na isantabi ang pulitika at tumuon sa mga isyu sa pag-unlad, pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, at suplay ng pagkain. Ito ang gusto niyang pagtuunan ng pansin sa susunod na tatlong taon ng kanyang termino bilang chief executive.

Maaaring mas madaling sabihin iyon kaysa gawin, lalo na sa nalalapit na impeachment kay Vice President Sara Duterte. Dahil ang mga bagong halal na senador sa kinalaunan ay magiging hukom sa impeachment trial, marami na ang sumusukat na mahatulan siyang may-sala o wala.

Sa mga bagong halal na senador, mabibilang ko ang hindi bababa sa apat na masugid na tagasuporta ng pamilya Duterte. Siyam na senador lang ang kailangan niya para maabsuwelto, sakaling matuloy ang impeachment trial. Mula sa iba pang 12 senador, maraming nakaaalam kung sino ang mga tagasuporta ni Duterte.

Ito marahil ang dahilan kung bakit muli niyang ipinakita ang kanyang tunay na anyo. Nais daw niya ng ‘bloodbath’ sa kanyang impeachment trial. Nakapagtataka na ang salitang “dugo” ay madalas na lumalabas sa tuwing nagsasalita ang sinumang miyembro ng pamilya Duterte. Si Sara Duterte ay nahaharap din sa mga kaso ng inciting to sedition at grave threat matapos ang kanyang pagmumura at pagbanta na ipapapatay ang First Family.

Naghahanda na rin ang House of Representatives. Sa pag­kaalam ko, bumuo na sila ng prosecution panel para i-impeach ang Vice President. Ang mga kilalang kritiko ni Duterte tulad nina Chel Diokno at Leila de Lima, ay bahagi ng panel na iyon.

Si De Lima ay ikinulong ni dating President Rodrigo Duterte ng anim na taon dahil mga umano sa kasong may kinalaman sa droga. Siya ay pinawalang-sala sa lahat ng mga kaso, ngunit may inilabas na desisyon ang Court of Appeals na kailangan niyang tugunan. Sinadya man ito o hindi, nani­niwala ako na matatag ang kanyang desisyon na maging bahagi ng prosecution team.

Ang impeachment trial ay pansamantalang itinakda para sa Hulyo 30. Hindi ako sigurado kung ang Presidente ay maaaring tumutok sa iba pang mga isyu kapag nagsi­mula ang paglilitis. Maraming nakataya, partikular ang 2028 elections kung saan tila malakas ang pag-asa ni Sara. Kumpiyansa ang panel ng prosekusyon, lalo na sa lahat ng ebiden­syang taglay nito. Pero gaya ng sabi ko, ang mga senador ang hahatol sa kaso. At tulad ng lahat ng pulitika sa bansa, bilang ng mga kaalyansa ang mahalaga.

K KA LANG?

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with