PNP-CIDG Dir. P/MGen. Robert Morico hahabulin ang ‘Paihi’
BAKIT kaya tahimik itong si Batangas Governor Vilma Santos-Recto pagdating sa operasyon ng ‘Paihi’ na nagaganap sa kanyang nasasakupan? Ito ang kapuna-punang usapin na kumakalat ngayon pa-tungkol sa pamamayagpag ng mga miyembro ng ‘Paihi’ na naglulungga sa kanyang nasasakupang lalawigan. Para sa kaalaman n’yo mga suki, itong paihi ay maituturing na economic sabotage sa ating pamahalaan dahil ni isang kusing ay walang nakukulektang taxes sa mga ito kung kaya’t bokya ang ating pamahalaan sa illegal na operasyon nito.
Nitong nakalipas lamang na mga araw ay ibinandera ni Philippine National Police-Criminal Investigation ang Detection Group (PNP-CIDG) Director P/MGen. Robert Morico II ang pitong kalalakihan na nahuli sa akto sa illegal nitong operasyon sa paihi na kung saan umabot sa P62 milyong halaga ng gasolina at kagamitan ang nakumpiska sa pagsalakay sa Barangay Wawa, Batangas City. Mukhang namumuro na naman itong bagong hepe ng Batangas Provincial Director na si P/Col. Oliver Ebora mga suki, kasi nga kung ating matatandaan na bago nakaupo itong si Ebora sa Batangas Provincial aba’y nauna nang sinibak ang pinalitan nitong si P/Col. Meliton Salvadora matapos na 2 beses na ma-raid ang illegal operation ng ‘Paihi’ sa lalawigan ng Batangas nga. Hehehe! Kaya’t kung magpakaang-kaang pa itong si P/Col. Ebora abay, hindi malayong sumunod siya sa landas ni Salvadora. Di ba mga suki!
May ugong-ugong naman kasing kumakalat ngayon diyan sa Batangas City patungkol sa illegal na operasyon ng ‘Paihi’ dahil ang nasa likod umano nito ay isang Alias-“Roy” na miyembro ng malawak na Religious Sect. Wow ha! Pati ba naman sa illegal na operasyon nakikisawsaw itong tagapagpalaganap ng banal na aral ng Dios. Hehehe! Magaling umanong dumiskarte itong si Roy dahil marami itong ginagamit na mga front upang maiiwas nito ang sarili sa pagkadamay sa operasyon ng ‘Paihi’.
Subalit mukhang iigsi na ang landas nitong si Alias “Roy” sa kamandag ni PNP-CIDG Dir. Morico dahil pursigido itong tuldukan ang pamamayagag ng ‘Paihi’ sa buong bansa. Kaya naman all out war ang mga tauhan ni Morico pagdating sa operasyon ng ‘Paihi’ hanggang sa malambat nila ang mga mataas na opisyal o politiko na nakasawsaw sa naturang illegal na operasyon.
Kaya’t may panawagan itong si PNP-CIDG Dir. Morico sa publiko na maikapagtulungan sa kanyang mga kapulisan upang mapadali ang kanilang paghahagilap sa mga sangkot na sindikato. Kasi nga naman kung patuloy itong operasyon ng ‘Paihi’ aba’y, malaking datung ang mawawala sa kaban ng bayan at ang masakit pa nito hindi natin masisiguro na malinis ang mga Gasolina o Diesel na nabibiling mura kuno. Hehehe!
Kaya’t ngayon na ang panahon na ipagtuturo na natin kay PNP-CIDG Dir. Morico at sa kanyang mga tauhan itong mga lungga ng ‘Paihi’ upang tuluyan na silang mawala sa lipunan. Get nyoo mga suki!
- Latest















