^

PSN Opinyon

Mga dahilan kung bakit sumasakit ang ulo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang sakit sa ulo ang madalas ireklamo ng pasyente sa kanilang doktor. Ang iba ay natatakot na baka kung ano na ang masamang sanhi nito. Ngunit huwag mangamba, karamihan ng sakit ng ulo ay hindi delikado.

Una, kung ang sakit ng ulo ay sumasabay sa pagbasa ng diyaryo o pagtrabaho sa harap ng computer, malamang may diprensiya ang iyong mga mata. Magpagawa ng sala­min at magpatingin sa optometrist o ophthalmologist.

Pangalawa, kung labas pasok ka sa malamig at mainit na lugar, puwede ring sumakit ang ulo. Hindi ito masama. Naninibago lang ang mga ugat sa ulo dahil sa pagbabago ng panahon.

Pangatlo, kung ang sakit ng ulo ay gumiginhawa sa pagmamasahe ni Misis, malamang ay stress o tensiyon lang iyan. Naninikip kasi ang mga muscles ng ulo natin kapag na­i-stress. Ang ibig sabihin ay marami kang iniisip, maraming problema at kulang sa budget, kaya sasakit talaga ang ulo.

Ang mga nabanggit kong dahilan ng sakit ng ulo, mula sa mata, sa pagbago ng panahon at sa stress ay puwede nang hindi ipa-check sa doktor.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

1. Ang migraine ay isa ring pangkaraniwang dahilan ng sakit ng ulo. Malalaman mo na migraine iyan dahil kalahati lang ng ulo ang sumasakit.

2. Ang sinusitis ay mula sa impeksiyon at may kasamang sipon.

3. Kapag matindi ang sakit ng ulo, kung may kasamang lagnat, pagsusuka o panghihina, isangguni na sa doktor. Kunin din ang blood pressure. Kapag mataas sa 140/90, posible rin na altapresyon ang dahilan ng pagsakit ng ulo.

4. Ang mga sakit na binabantayan ng doktor ay ang stroke, brain aneurysm at brain tumor. Ang sintomas nito ay ang sakit ng ulo, panghihina o pamamanhid ng katawan.

vuukle comment

BRAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with