Negosasyon ng gov’t at NDFP ituloy na!

NAGKASUNDO ang gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na ituloy na ang pag-uusap para sa kapayapaan.

Bago natigil ang peace talk noong 2018 sa panahon ng Duterte administration, mayroon nang mga kasunduan na nailatag ang magkabilang panig gaya ng Joint Agreement on the Safety and Immunity Guarantees, Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law at Comprehensive Agreement on Socio-economic Reforms.

Kung matutuloy ang peace negotiations, ang pag-uusapan na lamang ay ang Comprehensive Agreement on Constitutional and Political Reforms at Comprehensive Agreement on the Cessation of Hostilities and Disposition of Forces.

Dahil may mga nauna nang pag-uusap, tiyak na igigiit ng NDFP na sundin ang mga pinag-usapan nang agenda upang maugat ang pundamental na rason ng pagrerebolusyon sa bansa.

Ang mga unang kasunduan ay bunga ng mga pag-uusap ng mga kinatawan ng pamahalaan at NDFP. Dapat itong igalang. Hindi na kailangang bumalik pa sa zero ang negosasyon.

* * *

 

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com

Show comments