^

PSN Opinyon

Batalyon isasabak sa Degamo killers?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ito na siguro ang pinakamalaking contingent na binubuo ng mga elemento ng militar at pulisya para tugisin ang tatlo hanggang limang killers pa ni Negros Oriental Governor Roel Degamo. Mantakin ninyo, ang bubuo nito ay 10,000 sundalo at pulis!

Kahit noong nanliligalig ang mga rebeldeng komu­nista at terrorista, hindi nag-deploy ng ganyang ­batalyon ang militar at pulis. Tingin ko, kahit 10 pang killers ang tinutugis, higit pa sa labis ang ganyan kara­ming operatiba.

Talo pa nito ang batalyon na isasabak sa mga foreign invaders na maaaring lumusob at manakop sa ating bansa. Tila overreacting ito hindi ba? Pero sino ba ako para kuwestiyunin ang desisyon ng pamahalaan? Isa lang akong observer na napapailing sa balitang ito.

Buti pa yata, ang ganyan karaming sundalo at pulis ay doon sa West Philippine Sea ideploy at mas kailangan sila roon. Inaabuso na nga tayo ng China, susukot-sukot pa rin tayo.

Para sa akin, ang aksyon na dapat i-playup ng gobyerno sa media ay ang pagdakip sa itinuturong “utak” sa pagpatay na si Negros Oriental Rep. Arnie Teves na hanggang sa isinusulat ko ito ay nasa U.S.

Sa kabila ng bigat ng ipinaparatang sa kanya, humihingi siya ng extension na makapanatili pa roon kahit pinababalik na ng liderato ng Kamara de Representante para sagutin ang mga paratang sa kanya. Rep Teves, huwag kalimutan, “flight is guilt.” Balik ka na and face the music!

Totoo man o hindi ang akusasyon, obligado si Teves na humarap sa imbestigasyon at linisin ang kanyang pa­ngalan kung wala siyang kasalanan. Habang umiisip siya ng paraan para magtagal sa U.S., lalo lamang tumitindi ang hinala na posibleng totoo ang paratang sa kanya. Umuwi ka na Teves!

vuukle comment

ROEL DEGAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with