^

PSN Opinyon

Police brutality sa Piddig, Ilocos Norte

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Inireklamo ni Sean Lorenzo, 16, ng pagmamaltrato si Lt. Rudy James Jacalne, hepe ng Piddig municipal police­, Ilocos Norte at si Chief Master Sergeant Frederick Bulosan, intelligence chief ng nasabi ring police station.

Ayon kay Lorenzo, anak ng barangay captain, naka­ranas siya ng pagmamaltrato sa kamay ni Jacalne at Bulosan.

Ayon kay Lorenzo, kinulata siya ng riple ng ilang beses ni Jacalne at pinalo pa ng yantok ang kanyang mga palad at kamay. Nang dalhin daw siya sa presinto ng Piddig, pinagsasampal naman ni Bulosan. Ang pananakit umano ni Jacalne at Bulosan nasaksihan nang maraming tao.

Nang puntahan daw si Lorenzo ng kanyang ina at kina­usap sina Jacalne at Bulosan, ayaw itong pauwiin. Hanggang ang tatay na barangay captain ang nakausap ng mga pulis.

Sabi naman ni Jacalne, lasing si Lorenzo at nanggu­gulo. Sabi pa nito, “sakit ng ulo” ng lipunan si Lorenzo. Patung-patong din diumano ang police record nito.

Hindi dapat ganito ka-brutal ang ginawa ni Jacalne at Bulosan kay Lorenzo. Sinentensiyahan agad nila ang menor de edad.

Ang nangyari kay Lorenzo ay nagpapaalala sa malupit na martial law na naging kasangkapan ang mga sundalo at pulis. Pero matagal nang lumipas ang batas militar. Bakit binubuhay ngayon sa Piddig ang masamang alaala ng martial law?

Sabi ni Ilocos Norte police chief Col. Julius Suriben, iim­bestigahang mabuti ang ginawa nina Jacalne at Bulosan. Pinayuhan niya si Lorenzo na maghain nang pormal na reklamo sa dalawang pulis. Hindi umano niya kukunsintihin ang mga ginagawang mali ng mga pulis sa Ilocos Norte.

***

Para sa suhestiyon:  [email protected]

vuukle comment

SERGEANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with