^

PSN Opinyon

PhilHealth at ang batas sa Universal Health Care

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kung tutukoy ako ng isang monumental Law na nabuo sa loob ng siglong ito, wala nang mauuna pa sa Universal Health Care Law na ang layunin ay mabigyan ng health care ang bawat Pilipino pati na ang mga pulubi.

Kahit noong wala pa ang batas, mayroon nang PhilHealth noong panahon ni yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos ay tinawag na Medicare. Sa panahong ito, ang PhilHealth ang naging behikulo para maipatupad ang medical care for every Filipino.

Ang PhilHealth ay may mandato na ipatupad ang National Health Insurance Program. Sa programang ito ay ipi­nakikita ng mga Pilipino ang matagal ng kultura ng Pilipinas na “bayanihan o pagtutulungan.” Ibig sabihin, bagaman at tayo ay nagbibigay ng kontribusyon bilang miyembro ng paseguruhan, may kaunting bahagi sa ambag natin ang nauuwi para tulungan ang mga poorest of the poor na walang kayang ipantustos sa sarili.

Ganyan din ang sistema sa ibang mauunlad na bansa. Pati ang gobyerno ay may kontribusyon din naman para maging matibay at matatag ang pondo ng PhilHealth. Ito ang rightful share ng pamahalaan sa indirect contributions ng mga kasapi na itinatakda ng batas.

Sa ilalim ng PhilHealth, walang hinihinging kondisyon sa pasyente bago ma-admit sa pagamutan, hindi katulad ng ibang health maintenance organizations. Tama naman dahil salungat ito sa layunin ng batas na medical care sa bawat Pilipino.

Ang napakaganda pa ay kapag naging 60-anyos na ang miyembro, wala nang aalalahaning monthly contribution. Sa maayos at matapat na pamamahala, walang dudang magtatagumpay ang PhilHealth.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with