^

PSN Opinyon

Sandamakmak na shabu sa Region 1

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Nadiskubre ang pinakamalaking shabu laboratory sa Asya sa Upper Bimmotobot, La Union noong Hulyo 2008. Umaabot sa P27 milyong halaga ng raw chemicals at kagamitan ang nasamsam.

Ilang pulis ang nakasuhan ngunit ang mga protektor ng Upper Bimmotobot shabu lab ay naglahong parang bula at nabaon na sa limot ang pangyayari.

Makalipas ang 14 na taon, nakasakote ng 40 kilong shabu na nakaempakeng “Chinese Tea” na nagkakahalaga ng P272 milyon sa isang apartment sa Bgy. Poro, San Fernando City, La Union noong Biyernes ng hapon.

Pero bago ang pagkasakote sa La Union, naunang nasakote noong Biyernes ng umaga sa Pozzorubio, Pangasinan ang Chinese na si Ke Wujia (alyas James Dagale Galopo) at tatlong Pinoy na nahulihan ng 360 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P2.448 bilyon.

Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay lamang na sa kabila ng mga operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 1, nakakalusot pa rin ang drug syndicate.

Nararapat magpursigi ang PDEA at kapulisan upang matunton ang mga ulo ng drug syndicates sa Region 1. Nararapat pangalanan at panagutin ang mga salot ng lipunan. Alamin din ng PDEA kung paano nakakalusot ang droga sa Region 1. Saan galing ang mga bulto ng shabu?

Hindi sana maulit ang nangyari sa Upper Bimmotobot shabu laboratory noong 2008 na nawalang parang bula ang mga sangkot at nabaon na sa limot. Huwag hayaang magpaikut-ikot na lamang ang kasaysayan ng droga sa Region 1.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with