^

PSN Opinyon

Pandemic papatapos na?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang mga indikasyong nakikita natin. Matapos ang panahon ng pangangampanya at eleksyon, walang naitalang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Pahiwatig ito na umepekto ang vaccination drive na inilunsad ng pamahalaan. Sana magpatuloy ang ganito.

Maging sa ilang bansa sa Europa gaya ng Italy na isa sa mga pinakamatinding tinamaan ng pandemic sa unang taon nito, unti-unti nang inaalis ang requirement sa pagsusuot ng face masks kahit pa sa mga pampublikong lugar tulad ng mga paliparan.

Noon pa mang panahon ng kampanya, may mga humuhula na muling tataas ang kaso ng COVID dahil sa crowd exposure ng mga taong dumadalo sa poltical rallies. Isang linggo matapos ang eleksyon, sinabi ng OCTA Research Group na walang COVID surge na naitala. Magandang balita iyan.

Hindi lang sa Pilipinas nakikita ang ganitong paghupa ng pandemya kundi sa iba pang mga bansa na nagluluwag na sa mga ipinatutupad ng health protocols. Kung magpapatuloy ito (na hari nawang mangyari) bawas pabigat din sa papasok na administrasyon ni President-in-waiting Bongbong Marcos.

Ang nalalabing  problemang lulutasin ni Marcos ay ang pagbabangon sa ekonomiya na inilugmok ng pandemya. At ang ikapagtatagumpay niyan ay nakasalalay din sa kooperasyon nating mga mamamayan.

Ayon naman sa health experts, Hindi na kailangang higpitan muli ang mga health protocols kahit may mga sumulpot na sub-variant ng Omicron sa ating bansa. Ibig sabihin, kayang-kaya nang lumaban ng ating mga katawan, presumably dahil sa ating mga bakuna.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with