^

PSN Opinyon

Substitution ng kandidato nagiging gimik ng pulitiko

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

May mga pulitiko na mahilig gumimik sa publiko. Naghehele-kiyere sa pagkandidato sa halalan. Hindi inilahad agad ang balakin noong Okt. 1-8, linggo ng filing ng certificates of candidacy. Binitin-bitin pa ang madla, para pag-usapan at pagtsismisan sila. Tapos, dahil nakamit na ang publisidad, saka lang magpa-file sa araw na ito ng COC, dahil deadline na ngayon ng Substitution Law.

Ayon sa batas maari umatras ang kandidato na may COC na para pumalit ang kapartido. Itatrato ang pumalit na parang regular na kandidato. Isasama ang pangalan nito sa balota, at maari siya kumampanya simula sa Pebrero.

Gasgas na ang gimik na ‘yan. Nu’ng Set. 2015 nag-anunsiyo si noo’y Davao City mayor Rodrigo Duterte na magreretiro na sa pulitika. Tapos nag-ikot siya sa bansa at nakipag-pulong sa mga pulitiko. Bagama’t maraming umuudyok sa kanya na tumakbong Presidente, pinalampas niya ang isang linggong filing ng COCs. Tapos, bigla siyang pumalit na kandidatong Presidente sa kapartido na nag-file ng COC pero pa-etsing lang. Napasabik nila ang madla. Naka-libreng publisidad.

Huwag magpadala sa “substitute”. Pinaglalaruan nila ang batas. Imbis na sumuong sa espiritu o pakay ng batas, aali-aligid sila rito. Naghahanap ng loopholes, para gamitin sa personal na laro at pakay. Pinuputa nila ang batas. Hindi sila “substitute” kundi “prostitute”.

Baguhin na rin ang batas at patakaran ng Comelec. Payagan lang ang substitution sa loob ng linggo ng filing ng COCs. Huwag ihiwalay ang deadline. Sa gan’ung paraan wala nang gigimik sa batas. Kung mahuli sila sa filing, hindi na maisasama ang pangalan sa balota. Kung wala sila sa balota. hindi sila maihahalal. Hindi naman talaga karapat-dapat sa public office ang sinumang mahilig paglaruan lang ang batas.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with