^

PSN Opinyon

Lumalalang epekto ng climate change, nararapat tugunan

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Bilang board member ng Global Covenant of Ma­yors for Climate and Energy (GCoM), puspusan kong isinusulong ang pagharap sa mga hamon ng climate change sa bansa. Lahat tayo ay apektado nito, maunlad man o mahirap na lungsod.

Patuloy tayong nahihirapan kapag dumarating ang bagyo, baha, at landslides. Sa Pilipinas, mahigit 20 bagyo ang nararanasan natin sa isang taon. Bukod sa epekto nito sa ekonomiya ay napakaraming pamilyang nawawalan ng bahay at hanapbuhay.

Maging ang Makati ay nakakaranas ng pagbaha sa mabababang lugar. Nanganganib din sa landslide at liquefaction ang ilang mga barangay na nadaraanan ng West Valley Fault kapag lumindol nang malakas. Kaya naman minabuti naming maghanda sa pagtugon sa ganitong mga senaryo. Pinaigting namin ang pagsasanay ng mga first responder at namili ng mga modernong kagamitan at sasakyan, bukod sa pagbibigay ng go bags sa mga estudyante at mga pamilyang nakatira sa danger zones.

Kaya lang, lahat nang paghahanda ay mababalewala kung hindi bibigyang pansin ang ugat ng ating mga problema: hirap na ang Inang Kalikasan. Hindi na makahinga sa rami ng usok na mula sa ating mga sasakyan at factory; puno na ng basura ang mga ilog at dagat.

Noong Hulyo, inilunsad namin ang Cities Race to Resilience, kasama rito ang napakaraming lungsod sa buong mundo, maliit man o malaki. Bahagi ito ng mas malaking inisyatiba na gaganapin sa Glasgow, Scotland sa November.

Isa itong hamon sa ating lahat na palakasin ang ating kampanya para sa resilience o katatagan sa pamahalaang lungsod, pribadong sektor, at maging ordinaryong mamamayan.

 

vuukle comment

CLIMATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with