^

PSN Opinyon

Pulis-MPD, nag-uunahang magpabakuna! – Francisco

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAKAHINGA na nang maluwag si Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco dahil 100 porsiyento sa kanyang 4,375 na mga tauhan ay gusto nang magpabakuna laban sa COVID-19. Noong nakaraang Marso kasi, halos 16 porsiyento lang sa mga pulis-MPD ang nag-signify na magpabakuna kaya natuwa si Francisco na nabago ang pananaw nila at bawa’t isa sa kanila sa ngayon ay gusto na at nag-uunahan pa.

Sa kasalukuyan, halos 500 pulis-MPD na lang ang hindi nabakunahan sa Manila at naniwala si Francisco, na sa suporta ni Mayor Francisco Domagoso, lahat sila ay mabakunahan na sa darating na buwan para makapag-concentrate na sila sa kanilang trabaho bilang frontliners at sa pakikibaka sa droga at kriminalidad. Nais kasi ni Domagoso na mabakunahan na ang lahat ng pulis, pati na ang kanilang pamilya, nang sa gayon naka-focus na ang taga-MPD sa trabaho nila. Dipugaaaaa!

Kaya naman ayaw magpabakuna ng taga-MPD noong Marso dahil sa kakulangan ng edukasyon ukol sa vaccine at information drive tungkol sa tulong nito sa mga Pinoy. Subalit nagkukumahog na ang mga pulis na magpabakuna matapos matunghayan sa mga balita at social media na magandang naidulot ng bakuna sa katawan ng nabakunahan na. Lalo na’t maging si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar at ang kanyang command group ay nanguna sa pagbakuna sa Camp Crame noong Martes.

Dahil sa ginawa ni Eleazar, nabago ang pananaw ng mga pulis. Kaya nakumbinsi ang taga-MPD na mas mahigit na maganda ang may bakuna kaysa wala kaya hayun palagi na silang nangunguna sa pila sa pagbakuna sa headquarters nila sa UN Ave. “Nakita na ng mga pulis natin ang importansiya ng bakuna kaya’t hindi na sila nag-aatubili na magpabakuna. Sa ngayon, may depensa na sila vs virus,” ani Francisco. Dipugaaaaa!

Nitong Biyernes naman, nagbigay si Domagoso ng 3,000 vaccines sa MPD at ginamit ito ni Francisco para turukan ang 758 na miyembro ng pamilya ng mga pulis. Kung pati kanilang pamilya ay naturukan na, aba hindi na mag-isip ang mga pulis ng iba pa kundi kung paano na lang ipatupad ang kanilang tungkulin, di ba mga kosa? Kung sabagay, may limang pulis-MPD na ang namatay sa COVID mula ng nakaraang taon. Ang maganda lang, noong Marso at Abril, umabot sa 130 kaso ng COVID sa MPD subalit sa ngayon ay tatlo na lang. Mabuhay ang MPD! Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with