^

General Natividad, pinanonood ang jueteng sa Cavite!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2020 - 12:00am

MAHINA talaga ang liderato nitong si Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad o walang diskarte lang talaga? Kasi nga halos mag-iisang buwan na itong jueteng ng bangkang si John Yap at management na si Jun Alvaran alias Jun Moriones subalit wala pang matibay na aksiyon si Natividad. Tsk tsk tsk!

Naniniwala kaya si Natividad sa boladas nina Yap at Alvaran na legal ang palaro nila? Sa totoo lang, hindi masabi nitong sina Yap at Alvaran kung saang ahensiya ng gobyerno sila “nagbibigay” ng ayuda. At higit sa lahat­, walang ahensiya ng gobyerno ni President Digong na nagsasabing legal itong palaro nina Yap at Alvaran. Get’s n’yo mga kosa?

Bola-bola kamatis lang kaya itong ibinabando nina Yap at Alvaran na legal sila? Kaninong bulsa kaya ang napupuno sa patuloy na jueteng operations nina Yap at Alvaran sa Cavite, Gov. Jonvic Remulla Sir? Dipugaaaa! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kaya naman nasabi kong mahina si Natividad ay dahil hindi niya nagaya ang diskarte ni PRO1 director Brig. Gen. Jun Azurin laban sa jueteng ni Tony Ong sa Panga­sinan. Kahit ipinagyayabang ni Ong na legal ang palaro n’ya, aba ni-raid sila ni Azurin at halos 178 kubrador at mana­naya ang arestado at P800,000 ang taya na nakumpiska.

Kinasuhan sila ni Azurin ng paglabag ng “Bayanihan Heal as One” at hayun ‘di nakapalag si Ong. ‘Yan ang dis­karte, ‘di ba mga kosa? Nahinto ang jueteng ni Ong dahil ayaw tumanggap ng pitsa si Azurin. Ang balita naman sa ngayon, inaayos ni Ong ang kalakaran para makapagsimula na ang jueteng niya sa Pangasinan.

Papasa kaya si Ong sa supladong si Azurin? Dipugaaaa! Tsk tsk tsk! Milyones na itong tinanggihan ni Azurin­ ah, ‘di ba mga kosa?

Kung sabagay, magkaiba naman ang estilo ng liderato nitong sina Azurin at Natividad, na nakasandal sa kamag-anak na si Interior Secretary Eduardo Año, di ba kosang Rico Posadas Sir?

Naniniwala ba kayo mga kosa na walang padulas ang mag-among sina Yap at Alvaran kay Natividad at Cavite provincial director Col. Marlon Ramos?

Kung talagang negatibo, aba pueede ng isalang sa Guinness Book of World Records itong sina Natividad at Ramos, di ba mga kosa? Si Gov. Remulla? Aba, kaya ng dibdib ni Remulla ‘yan dahil magaling naman siyang umiwas sa isyu, lalo na vs COVID-19, di ba mga kosa? Dipugaaaa! Abangan!

JUETENG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with