May DQR code si Duterte
DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

AKALA n’yo wala. Wala. Wala. Wala. Dahil nga Presidente siya ng bansa. 

Ngunit may bitbit pala na Davao Quick Response (DQR) code si President Duterte na kanya namang pinakita sa Task Force Against COVID-19 ng city government na nakatalaga sa Davao  International Airport nang dumating siya rito sa Davao City kahapon ng madaling araw. 

Ang DQR code ay nagagamit sa contact tracing upang madaling ma-trace ang mga COVID-19 cases. 

Lulan ng private jet, nagpakita rin ang Presidente ng  negative na resulta ng kanyang reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) test. 

Sumusunod naman ang Presidente sa health protocol na sana ay gayahin din ng ibang pasahero na dumarating dito sa Davao Airport. 

Teka, sandali lang tanong ko lang din – may Food and Me-dicine pass din kaya ang Presidente gaya naming mga residente rito? 

Kasi nga under GCQ na ang siyudad at ang FM pass ang basis kung makakalabas ang isang mamamayan dito depende kung odd or even ba ang ending ng kanyang  FM pass.

Kasi nga kung odd number ang ending, maaring lu­mabas Monday, Wednesday at Friday habang ang even numbers ay tuwing Tuesday, Thursday at Saturday lang maaring lumabas upang bumili ng pangangailangan gaya ng pagkain at gamot.

Aabangan ko na lang ano ang ending ng FM pass ng Presidente.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with