Tips para mapalakas ang immune system

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2020 - 12:00am

Maraming nakahahawang sakit ngayon at isa na rito ang COVID-19 na hindi lamang sa ating bansa lumalaganap kundi sa buong mundo. Sa ganitong sitwasyon, ang tanging panlaban natin ay ang ating immune system. Ito ‘yung resistensiya at lakas ng ating katawan. Kapag ma­l­akas ang katawan, walang epekto ang virus at mikrobyo.

Paano natin mapapalakas ang ating immune system?

Narito ang mga tips:

l Matulog ng 7-8 oras bawat gabi. Kung kaya mong matulog ng mas mahaba ay okay din. Sa pamamagitan ng tulog, naghihilom ang organo ng ating katawan. Kung hindi ka makatulog, mahiga na lang at ipahinga ang isip. Lalakas ka na rin.

l Relaks lang sa pagtatrabaho at sa gawaing bahay. Puwede mo naman gawing mas magaan ang iyong trabaho. Gawin mo lang ang kayang magagawa. Hindi kaila­ngang magmadali palagi.

l Huwag gaanong mag-isip at maging aburido. Maging mas mapasensiya.

l Kumain ng masustansyang pagkain. Ito talaga ang panlaban natin sa mga sakit. Ang pagkain ng berdeng gulay, sari-saring prutas (saging, mansanas, dalandan) at isda ay nagpapalakas ng katawan.

l Kumain sa tamang oras. Huwag magpakagutom. Kumain ng agahan. Ito ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Ang sabi nga ay “Kumain ng breakfast na parang isang hari. Tanghalian na parang isang prinsipe. At hapunan na parang pulubi.” Subukang mag-meryenda ng prutas tulad ng isang saging o mansanas.

l Uminom ng 8-12 basong tubig. Ang tamang pag-inom ng tubig ay mga isang basong tubig bawat 2 oras. Huwag hayaang matuyo o ma-dehydrate ang iyong katawan. Panatilihing maputi at malinaw ang kulay ng iyong ihi. Ito ang palatandaan na sapat ang tubig sa iyong katawan. Paggising sa umaga, ugaliin uminom ng isang basong tubig.

l Puwedeng uminom ng multivitamins. Kahit anong bitamina ay makatutulong sa iyo. Mas mura ang mga vitamins sa generics na botika.

l Maging positibo ang pananaw. Isiping magiging maganda ang iyong araw at siguradong susuwertehin ka sa araw na ito.

l Magdasal sa umaga at pasalamatan ang Diyos sa mga biyayang ibinigay Niya sa atin.

l Kumunsulta sa doktor. Kung mayroon kang sakit gaya ng diabetes, altapresyon, at iba pa, kailangang magpatingin sa doktor para mabigyan ng tamang gamot at nang gumaling at lumakas ang katawan.

l Good luck po!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with