General Danao, ‘darkhorse’ sa pagka-PNP chief!

Kung nakatingin ang Palasyo sa 2022 elections, sigura­dong ang magiging hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Setyembre 3 ay si Calabarzon police chief Brig. Gen. Vicente Danao, ang sagradong bata ni President Digong. Kinaugalian na kasi ‘yan na ilalagay ng Palasyo sa trono ng PNP ang “bata” nila para masigurong mana­nalo ang manok nila sa election. Get’s n’yo mga kosa? Su­balit kapag ang paglaban sa COVID-19 ang nasa isip ng Palasyo, mukhang made-delay ang pag-upo ni Danao, na naging positibo rin sa virus, di ba kosang Ed Amoroso Sir?

Madami rin namang accomplishments si Danao sa Cala­barzon subalit ang hindi malaman ng mga kosa ko ay bakit napalusutan siya ng isang alyas Marcial na nagbukas ng jueteng sa Rizal sa kasagsagan ng COVID pandemic. Araguuyyyy! Kung sabagay, inamin naman ni Danao na malaki ang Calabarzon at hindi niya alam ang lahat ng nang­yayari rito.

Kapag naging PNP chief si Danao, aba tiyak hindi rin niya malalaman ang lahat ng naganap sa bansa dahil super laki na ito para sa kanya, ‘di ba mga kosa? Hindi lang ‘yan! Baka pati ang kritiko niya at ni President Digong ay ialay niya sa bulkan. Hak hak hak! Kung magulong ka­usap si President Digong eh mukhang ginagaya siya ni Danao, di ba mga kosa? Dipugaaaa!

Kung continuity naman sa laban vs COVID ang nasa isipan ng Palasyo, siyempre lamang sina Lt. Gen. Guil­lermo Eleazar, ang DCO ng PNP at chief ng Joint Task Force COVID Shield at NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas. ‘Ika nga eh, isang kumpas lang ng kamay nina Eleazar at Sinas, mapapatakbo nila ang alintuntunin ng gobyerno ni President Digong laban sa virus, kahit nakapikit pa ang mga mata nila.

Sinabi naman ni kosang Dave Baluyot na umuugong din na pagbigyan ng Palasyo si Lt. Gen. Camilo Pancratius­ Cascolan, ang DCA ng PNP, pagkatapos si Sinas at kasunod si Eleazar. Subalit si Cascolan ay magreretiro na sa Nobyembre 10 at ang tanong ng mga kosa, ko ano pa ang gagawin niya para sa ikagaganda ng imahe ng PNP? Dipugaaaa!

Pagkatapos ni Eleazar, si Danao na ang uupo, at kapag nanalo ang manok ng Palasyo, itutuloy niya ang panunungkulan hanggang sa pagretiro niya sa 2023. Ang magreretirong PNP chief Gen. Archie Gamboa kaya ang magiging NBI director? Abangan!

Show comments