Tell it to the marines!
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2020 - 12:00am

Sending a wrong signal. Ganito sa palagay ko ang dating ng tinuran ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa noong Lunes.

Sabi niya, napakahirap daw palitan ni Gen. Debold Sinas bilang hepe ng National Capital Region Police Office­ (NCRPO). Marami raw kasi itong programang may kinalaman sa COVID-19. Ang dating, tila baga wala nang ibang heneral ang PNP na kuwalipikado para sa posisyon. Walang ibang magaling kundi si Sinas kaya walang puwe­deng i-promote. Sa pagkakaalam ko, mga programang may kina­laman sa pandemic na virus ay mula sa national govern­ment­ at implementasyon naman para sa parte ng mga awtoridad­.

Noong una, sinabi niyang wala siyang nakikitang ma­sama sa “mañanita” na ginawa mismo sa loob ng kampo ng NCRPO. Subalit anumang mass gathering kabilang na rito ang birthday party at ‘di pagsasagawa ng social distancing ay mga paglabag sa quarantine protocols. Babala ng PNP noon, lahat nang lalabag sa national government policies or directives in imposing quarantines ay makakasuhan ng violation of Republic Act 11469 o Bayanihan Heal As One Act.

Nakapagtataka, bakit paglabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang isinampang kaso ng Internal Affairs Service ng PNP kay Sinas at 18 opisyal?

Himayin natin ang ilang detalye. Ang parusa sa Republic Act 11469 ay 2 buwang pagkakabilanggo, P10,000 to P1-million fine at ang pinakamabigat, perpetual disqua­lification bilang opisyal ng gobyerno. Samantalang sa Re­­public Act 11332, 1 hanggang 6 na buwang pagkakabilanggo at P20,000 to P50,000 na fine lamang. Umaali­ngasaw ang amoy ng niluluto. Parang tunog “sagradong baka” kung iisiping maigi. Mabuti na lamang nagsalita na ang Malacañang na ang Presidente ang magdedesisyon kung sisibakin o hindi si Sinas. Hihintayin muna ng Palasyo ang resulta ng imbestigasyon sa kasong administratibo na pinangunahan ng PNP-IAS.

Ano ulit? Napakahirap palitan? Tell it to the marines!

ARCHIE GAMBOA NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with