_ngayon
^

Mga sikat o nagpapasikat na nagkakalat sa social media

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2020 - 12:00am

Millennial ka man o “may linya” na sa leeg at noo, iisa ang libangan ngayong panahon ng community quarantine. Lahat tutok, nawiwili, abala sa social media. Sige ang posing, sayaw dito, kembot doon, pakita ng puwet, singit, kili-kili at kung anu-ano pa.

May iba naman na hindi mo malaman ang intensiyon, pinangangalandakan ang yaman at pagtulong umano sa kapwa. Ipinagyayabang sa buong mundo na siya’y pilantropo.

Eto ang marami, mga useless na pahayag. Makasawsaw lang sa isyu, kung anu-ano ang sinasabi. Naggagandahan at naguguwapuhan ang mukha, pero nakakadismaya dahil walang sustansiya ang kiyaw-kiyaw.

Mababaw, parang cotton candy. Bakit? Eh kasi bugso ng damdamin ang pinairal, hindi na nag-isip. Ayun tuloy, sila bigla ang naging isyu. Baka na-miss nila ang limelight at adoration ng kanilang mga fans. Ang problema, wala sila ngayon sa pinilakang-tabing, walang script, walang editing.

Eto pang isang latest na kagaguhan, nag-post na magbibigay ng pabuya kung sinong makakapaslang sa Presidente. Dahil sa kanyang kalokohan, dahil gusto niyang magpasikat, lumabag siya sa batas. At nang mahuli, nagmamakaawa na parang bata.

Itong mga kumakalat ngayong basura sa social media, nagte-trending pa. Pinagkakaguluhan, pinag-uusapan. Lahat kasi ng tao nasa bahay, kaya ganitong teknolohiya ang pinagkakaabalahan. Pampatanggal buryong, for entertainment purposes ba. Eto na ang naging resulta ng virus sa buong mundo.

Sa mga gustong magpasikat ng walang saysay, hinay-hinay lang. Mamili ka, sisikat ka dahil sa kalokohan, kabobohan o sa kulungan. Your choice,your consequence.

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with