Mga dapat gawin kapag mainit ang panahon

Narito ang mga dapat gawin para malabanan ang init ng panahon at nang makaiwas sa heat stroke, high blood at iba pang sakit.

l Kumain ng mga pagkain na magaan sa tiyan, tulad­ ng ensalada, gulay at prutas. Huwag kumain nang mara­ming karne na nagpapainit ng katawan. Kumain nang ma­dalas pero pakonti-konti lamang.

l Uminom nang malamig na tubig.

l Habang may hawak na malamig na bottled water, itapat ito sa pulso ng iyong kamay. Mapapalamig nito ang dumadaloy na dugo.

l Mag-ehersisyo lamang sa umaga o gabi kung saan hindi na gaanong mainit. Umiwas sa sikat ng araw mula 10:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

l Takpan ang mga bintana sa iyong kuwarto para hindi pumasok ang sikat ng araw.

l Isara ang mga electrical na kagamitan sa bahay na nag­­bibigay din ng init, tulad ng bombilya, computer at telebisyon.

l Piliin ang puting fluorescent light kaysa sa mas mainit na dilaw na bombilya.

l Gumamit ng sapat na electric fan o air coolers.

l Kung kayo ay may air condition, linisin ang filter ng madalas para makadaloy ang hangin. Takpan din ang mga butas sa paligid ng aircon para hindi pumasok ang mainit na hangin. Kapag nakatapat sa sikat ng araw ang iyong air condition, gawan ito ng takip o “bubong” para maharang ang init ng araw. Nakababawas ito sa lamig ng air con.

l Magtanim ng puno sa paligid ng bahay. Ang mga halaman ay nagbibigay ng oxygen at nagpapababa rin ng temperatura sa paligid nito.

l Pumunta sa malamig na lugar, tulad ng mall o sinehan. Medyo mapapagastos nga lang pero giginhawa naman­ ang iyong pakiramdam.

Show comments