Mga dapat gawin kapag sinisipon

Ang sipon ay viral infection sa itaas na bahagi ng res­piratory tract, ilong at lalamunan. Palatandaan nito ay masakit na lalamunan, ubo, nagluluhang mata at pagbahin. Karamihan sa matatanda nararanasan ang sipon ng 2 hanggang 4 na beses sa 1 taon, Sa kabataan, lalo sa preschoolers, nagkakaroon sila ng sipon 6 hanggang 10 beses sa 1 taon.

Mga dapat gawin kapag may sipon:

• Uminom nang maraming tubig – Nakatutulong ito na palitan ang mga nawalang tubig sa katawan habang nabubuo ang sipon. Iwasang uminom ng kape dahil nagdudulot ito ng dehydration.

•  Humigop ng sabaw ng manok – Ayon sa mga eksperto, ito ay anti-inflammatory at nakababawas ng produksyon ng sipon at plema sa respiratory tract. Pinabibilis nito ang galaw ng sipon at binabawasan ang pagdami ng virus na dumidikit sa paligid ng ilong.

•  Magpahinga – Kung kinakailangan, manatili muna sa bahay. Huwag munang pumasok sa trabaho. Ang pa-hinga ay mahalaga para mapadali ang paggaling ng sipon.

• Gawin komportable ang kuwarto – Gawing maaliwalas o hindi mainit ang kuwarto. Bumili ng aircon kung kinakailangan. Linisin nang madalas ang aircon para maiwasan ang pagdami ng bacteria.

• Paginhawahin ang lalamunan – Magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin sa umaga. Uminom din ng maligamgam na lemon na may halong honey.

• Gumamit ng nasal spray – Ang saline spray ay epek­tibo, ligtas gamitin at hindi nakaiirita. Puwedeng gamitin ito sa bata.

• Uminom ng Vitamin C tablet – Nakatutulong ito para mapadali ang paggaling ng sipon.

Show comments