Sipon at ubo
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Ang common cold o sipon ay isang viral infection sa itaas na bahagi ng respiratory tract, sa ilong at lalamunan.

Kadalasan, hindi naman ito nakasasama. Ang pala­tandaan nito ay sipon, masakit na lalamunan at ubo at kung minsan naman ay nagluluhang mata, pagbahing at baradong ilong.

Karamihan sa matatanda ay nakararanas na sipunin ng 2 hanggang 4 na beses kada taon, Sa kabataan naman lalo sa mga preschoolers nagkakaroon sila ng sipon 6 hanggang 10 beses sa 1 taon.

Narito ang tips kapag may sipon at ubo:

l Uminom nang maraming tubig – Magandang uminom ng tubig, juice at tsaa. Dahil nakatutulong ito na palitan ang mga nawalang tubig sa katawan habang nabubuo ang sipon o may lagnat. Iwasan ang uminom ng kape dahil nagdudulot ito ng dehydration. Ang paninigarilyo naman ay nakapagpapalala ng sintomas.

l Humigop ng sabaw ng manok – Nakatutulong ang pag-higop ng sabaw sa mga taong may sakit. Ayon sa mga eksperto napagiginhawa nito ang iyong pakiramdam sa dalawang paraan: Una, ito ay anti-inflammatory at nakababawas ng produksyon ng sipon at plema sa iyong respiratory tract. Pangalawa, pansamantalang pina­­bibilis nito ang galaw ng sipon papunta sa ilong, para makatulong guminhawa sa baradong ilong at bawasan ang pagdami ng virus na dumidikit sa paligid ng ilong.

l Magpahinga – Kung kinakailangan, manatili na muna sa bahay at huwag muna pumasok sa trabaho kung may­roong lagnat, matinding ubo, o pagkahilo. Ang pahinga ay mahalaga para mas mapadali ang paggaling.

l Gawing komportable ang kuwarto -- Gawing maaliwalas o hindi mainit sa pakiramdam ang kuwarto, ma­aring bumili ng aircon kung kinakailangan. Linising madalas ang aircon para maiwasan ang pagdami ng bacteria at amag.

l Paginhawahin ang lalamunan – Magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin sa umaga. Uminom ng maligamgam na lemon na may halong honey dahil ito ay nakatutulong na mapaginhawa ang sakit ng lalamunan pati na rin ang ubo.

l Gumamit ng nasal spray – Ang saline spray sa ilong ay epektibo, ligtas gamitin at hindi nakaiirita. Puwede rin itong gamitin sa bata para guminhawa ang baradong ilong.

l Uminom ng Vitamin C tablet – Sa pag-inom ng Vitamin C posibleng mabawasan ang tagal ng sintomas ng iyong sipon.

l Kadalasan, ang sipon ay tumatagal lamang ng 1 hanggang 2 linggo. Kung ang sintomas ng sipon ay lumala, komunsulta na sa iyong doktor.

SIPON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with