Si alyas Dennis ‘pisngi’ ang susi sa BI scam sa NAIA

‘UNFAIR,” ang sigaw ng isang opisyal ng Bureau of Immigration sa NAIA na tinamaan ng biglaang reshuffle na ginawa ni BI Commissioner Jaime Morente., the other day., matapos ibulgar ni Senator Risa Hontiveros ang multi-billion scam sa ‘VIP escort with a fee’ ng mga Chinese nationals POGO workers para maasikaso ng madalian ang kanilang visa upon arrival sa NAIA international terminals.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa sa tinamaan ng pagbalasa ni Morente ay kabilang sa top performer sa tatlong international terminals ng NAIA kaya naman nanggagalaiti ito sa galit pero wala siyang magagawa kundi sundin ang ‘balasahan blues’ ni Morente.

Sabi nga, balasahan blues muna para masabi na hindi konsintidor si Morente!

Naku ha!

Ano ba ito? 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si alyas Dennis ‘pisngi’ ang tinaguriang Coronavirus King ang dapat inalis sa NAIA dahil walang ginawa ito kundi sumalubong ng mga Chinese natio-nals POGO workers sa paliparan kaya limpak-limpak na pera ang kinita nito rito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinawag na Coronavirus King si alyas Dennis ‘pisngi’ dahil puro Chinese nationals POGO workers ang sinasalubong nito.

Sabi nga, VIP escort with a fee!

‘Walang hindi nakakakilala kay alyas Dennis ‘pisngi’ sa immigration dahil wala itong ginawa kundi ang mag-kape habang inaantay ang pagdating ng mga kliente niyang POGO workers na pinasasalubong daw sa kanya ng isang Congressman at isang alyas ‘Cuevas,’ sabi ng kuwagong binubukulan.

Nagpapalusot pa ang Kamote para solohin ang kita sa Chinese POGO workers. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nila malaman kung bakit na-promote pa si Dennis ‘pisngi’ ni Morente samantala marami na itong ginago sa paliparan.

‘Baka si alyas Dennis ‘pisngi’ ang taga-abot sa itaas ng tinatawag na pastillas money?’

Korek ka r’yan, kaya matibay ang ogag!

Dapat ito ang gisahin ni Hontiveros sa kanyang hearing para malaman niya ang katotohanan sa nangyayari sa ibinubulgar niya.

Ano sa palagay mo alyas Dennis ‘pisngi?’ Abangan.

Concert for a cause

ISANG proyekto ng Muntinlupa City Masonic Lodge 414 at Mina de Oro Shrine Club. 

Ang kikitain ng fund raising concert ay gagamitin para sa pagpapatayo ng BURN UNIT sa Ospital ng Muntinlupa para pakinabangan at magamit ng mga burned Children. 

Sa mga Brethren at mga gustong mag-sponsor at magbigay ng donasyon i-deposit sa BDO ACCOUNT No. 011618002385 SILVERIO GARING, Filinvest Civic Drive Branch. Alabang,  Muntinlupa City at paki-post ang inyong deposit slip.

Maraming pong salamat mga Brethren.    

Show comments