Tagumpay sa UN paano maigigiit?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2019 - 12:00am

MALI na sabihing hindi maigigiit ng Pilipinas ang tagum­pay sa UN arbitration sa South China Sea dahil gigiyerahin umano tayo ng China. Sa atin ang yamang dagat, hindi sa China, sa loob ng ating 200-mile exclusive economic zone. Takot ang Beijing sa giyera dahil papanig ang America sa ilalim ng Mutual Defense Treaty sa Pilipinas. Sasali ang iba pang kaalyado. Magigiba ang ekonomiya ng China na nakasalalay sa kalakalan sa mundo. Isusuka ng mamamayang Chinese ang Communist Party na nag­hahari sa Beijing at sumusupil sa kalayaan nila.

Hindi rin tayo makikipaggiyera dahil labag sa ating Konstitusyon at sa UN Charter. At madudurog ang mahinang militar natin.

Dapat lumaban tayo sa larangan ng diplomasya. Tularan ang Nicaragua nang manalo sa International Court of Justice matapos lagyan ng America ng mines ang karagatan at pinasabog ang mga barko roon. Tulad ng China sa UN arbitral court, nagboycott ang US sa hearings­ at ayaw tanggapin ang pasya ng ICJ. Dumulog ang Nicaragua sa UN General Assembly para magpatulong sa mga kasapi na pagbayarin ng danyos ang US. Ginamit ng US ang lakas bilang kasapi ng UN Security Council para matalo ang Nicaragua sa botohan. Hindi sumuko ang Nicaragua. Nu’ng sumunod na taon, humingi ito ng muling botohan sa General Assembly. Bagamat natalo, mas maraming hamak ang kumampi sa Nicaragua. At nagbalak itong mangampanya muli sa susunod na taon. Nagkataong naging presidente ng Nicaragua si Violeta Chamorro na kaibigan ng Washington. Pinaatras ng US sa kanya ang kampanya sa UN. Kapalit binuhusan nito ang Nicaragua ng tulong na $350 milyon -- mas malaki kaysa $281-milyong danyos na hinihingi ng naunang pre­sidente. Panalo ang Nicaragua sa pamamagitan ng diplomasya.

May 10 milyong overseas workers at 5 milyong overseas Filipinos na makakapagpaliwanag sa iba’t-ibang bansa ng isyu natin. Mobilisahin silang hikayatin ang suporta ng mundo laban sa bully. (Itutuloy bukas)

UN ARBITRATION
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with