Mga raket sa bilibid nabunyag sa wakas
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

NABULGAR ang mga raket ng Corrections bureau officials sa mga bilangguan. Lumitaw sa Senate inquiry ang mga pinagkukuwartahan nila: Tanim-kaso, o pag-im­­bento ng umano’y paglabag ng preso sa mga alitun­tunin, para humaba ang pagkakulong. Parole for sale, o maling pagkuwenta ng Good Conduct Time Allowance, para pa­ikliin ang sentensiya. Pagbenta ng smartphones na bawal magkaroon ang preso; mas malaking overprice kung touchscreen kaysa manual keys. Pagpatay ng signal jammers at CCTV cameras para magamit ang cell phones at hindi ma-video ang mga ilegal na gawain. Lipat-selda, mula sa maximum-papuntang medium-secu­rity, at mula medium-tungo sa minimum-security, para mas may laya sa pagkilos. Hospitalization-for-sale, o kun­waring may malubhang sakit ang preso, para makapag-party ang preso at bisita. Lahat ito ay may katumbas na suhol. Siyempre mas nakikinabang ang mga mayayamang convicts.

Nauna rito nabunyag ang overpricing sa mga kontrata sa pagkain, uniform, at supplies ng mga preso. Suhol mula sa mga dalaw. Pagpuslit pauwi ng mga preso. At air-conditioned bungalows sa hardin ng National Penitentiary. Ilang Corrections chiefs na, karamihan mga dating sundalo o pulis, ang nasibak dahil sa katiwalian mula pa taong 1986.

Nu’ng 2014 na-media rin, pati sa kolum na ito, na ang pitong pinaka-malalalang krimen ay sa bilangguan gina­gawa o pinaplano. Batay sa intelligence reports, ito’y ang: malakihang narco-trafficking, murder-for-hire, kidnapping-for-ransom, illegal gambling, protection racket, money laundering, at human trafficking. Nasangkot sa ilan nito ang maraming justice secretaries, pulitiko at sin­dikato.

Tama si Presidente Rody Duterte. Talamak ang korap­siyon sa lahat ng ahensiya’t antas, mula Customs, BIR, DOTr, DPWH, Kongreso, korte.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

BILIBID
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with