_ngayon
^

PSN Opinyon

Davao Bunal Squad

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

NAALALA n’yo pa ba ang tinaguriang Davao Death Squad (DDS) na sinabing mga riding-in-tandem na pasimuno sa patayan dito noon ng suspected drug pu-shers?

DDS noon. Ngu­nit nitong nagdaang linggo, biglang may sumulpot na bagong grupo na hindi baril ang gamit ng kanilang riding-in-tandem kundi latigo o bunal na ipinapalo sa sinumang madatnan sa daan.

May ilang biktima rin ang “Davao Bunal Squad’ sa Bgys. Sasa, Agdao at Bucana na pinapalo nang walang kadahi-dahilan gamit ang kahoy, water hose, belt at buntot ng pagi.

Marami na ang takot lumabas dahil hindi nila alam kung kailan aatake ang Davao Bunal Squad. Paano na lang pag inabot ng gabi ang sinuman?

Heto pa, ang mga umaatakeng namamalo ay nakasakay sa motorsiklo na walang plaka. Isang grupo sila na may apat na riders at mga angkas. Nakahelmet sila kaya hindi makikilala. 

Mariing pinabulaa-nan ng Davao City Police Office na mga pulis ang nasa likod ng Davao Bunal Squad. 

Ang coincidence lang naman ay sabay sa  paglabas ng Da­vao Bunal Squad ay pinaigting naman ng DCPO ang curfew for minors simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

Eh, ano?  

DAVAO DEATH SQUAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with