Problema sa FDA

AYON sa isang reliable source na mataas na opis­yal ng pamahalaan, talagang talamak ang bayaran sa Food and Drug Administration (FDA).

Kahit umano sa pinakamaliit hanggang sa pinaka­malaking transaction sa tanggapang ito ay kaila­ngang may ibibigay na under the table sa kinauukulan.

“Walang patawad ‘yang FDA,” ayon sa aking source sa may Pasig River.

Hanggang nakarating nga raw kay Pres. Rodrigo Duterte ang sangkatutak na reklamo o complaints laban sa FDA.

Ang FDA kasi sana ay dapat susunod sa mission nito as follows:

The Food and Drug Administration is responsible for protecting the public health by ensuring the safety­, efficacy, and security of human and veterinary drugs, biological products, and medical devices; and by ensu­ring the safety of our nation’s food supply, cosmetics, and products that emit radiation.

At higit sa lahat dapat ay ginagampanan ng mga opis­yal at kawani nito ang kanilang tungkulin na walang halong panloloko.

Alalahanin sana nila na nakasalalay ang safety at health ng mamamayan sa kanilang mga kamay.

Show comments