NCRPO chief Eleazar at PDEA chief Aquino, read this!

PANAHON na para ikutan at tiktikan nina NCRPO director Guillermo Eleazar at PDEA chief Aaron Aquino ang Barangay 162 Zone 16 para malinis nila ang mga adik-adik dito, tulak, bookies, at iba pang mga illegal activities. Take note, mga Sirs!

Tiyak na makakasungkit ang mga tauhan ni Eleazar at Aquino sa mga ilegal na nangyayari rito dahil mismo ang mga burongoy kawatan ng lugar ang mga patong sa nasabing mga illegal activities.

Isang constituent sa nasabing barangay ang humingi ng tulong sa mga burongoy kawatan pero nagmistulang mga bingi ang mga gago at parang bola ng basketball ito na pinagpapasa-pasahan ang pobreng alindahaw!

Mga inutil ang mga kamote dahil walang ginagawa at hindi tinutulungan ang constituent na humihingi ng tulong sa kanila.

Bakit?

Sagot - nakatirik sa mga pondohan ng tulak at sugalan ang mga burongoy kawatan dito kasama ang iba sa tsongkian kaya dapat magkaroon ng random drug test.

Sabi nga, unahin ang mga pa bright-bright na mga buro­ngoy kawatan at pagkatapos ay salakayin ang mga bookies, video karera at iba pang pasugal. Tama ba, General Eleazar?

Ano kaya ang masasabi ni Barangay Captain Jimmy Lorente dito? Alam niya kaya ang mga nangyayari sa paligid ng sona niya?

Oh baka pati ikaw ay pakaang-kaang?

Hindi rin kailangan basta ipaubaya nina Eleazar at Aquino sa mga tauhan ng MPD ang gagawing paniniktik o hulihan blues dahil ang ilan sa kanila ay nakapatong sa sugalan at mga tulak.

May mga pulis pa nga na tumitira rin ng katol este mali shabu pala na grupo ng mga dupang at pushers sa lugar.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kung walang nakapatong na mga tiwaling taga-COP,  bakit ang daming bookies sa lugar at mga adik/pushers? Paging DILG Secretary Ed Ano, Your Honor!

Ang masama pa rito hindi makapalag ang mataas na opisyal ng burongoy kawatan sa isa sa mga kasamahan nila dahil dito pala umuutang ng salapi si burongoy kupitana para sa kanyang bisyo?

Sabi nga, pang tsongki!

Hindi natin tatantanan ang lugar na ito hangga’t walang aksyong gagawin sina Eleazar at Aquino.

Sabi nga, magpa-random drug test para sa mga burongoy kawatan at magkaalaman na kung sinu-sino ang dupang na gumagamit ng floorwax este mali shabu pala!

Abangan.

Show comments