Bugaw
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2018 - 12:00am

(Huling bahagi)

SA paglilitis ng kaso, si Bella ang ginawang testigo ng prosekusyon. Ikinuwento niya ang sinapit sa kamay ni Dan. Naging testigo rin ang doktor ng PNP Crime Laboratory na sumuri kay Bella pati ang isang kinatawan ng telephone company na nagpatunay sa mga tawag ng ikalawang kli­yente na makikita sa records ng tawag ni Dan. Tinanggi naman ni Dan ang paratang sa kanya. Ang depensa niya at ng dalawa pa niyang testigo ay wala raw paglabag sa RA 7610 dahil pumayag si Bella sa ginawa sa kanya at tinutulungan­ lang din niya ang dalagita na makamit ang ambisyong maging­ artista.

Pagkatapos ng paglilitis ay napatunayan sa RTC na nagkasala si Dan para sa dalawang insidenteng ginawa niya ang pambubugaw kay Bella. Hinatulan siya ng reclusion perpetua. Kinatigan din ng CA at SC ang naging desisyon ng mababang hukuman. Ayon sa SC ay tunay na nagkasala si Dan sa pagpilit, paghikayat at pagkilos para isulong ang child prostitution dahil siya pa mismo ang nagsilbing bugaw sa pamangkin na tinakot at ginamitan niya ng impluwensiya para sumunod sa kanyang gusto kapalit ng malaking halaga alinsunod sa Sec. 5 (par. 1, 4 & 5), Art. III ng RA 7610. Labag sa loob ni Bella na sumama sa dalawang parokyano at ipinakita iyon ng salaysay niya sa korte patungkol sa masaklap na sinapit.   Isa pa, kahit na sabihin na pumayag si Bella na maging prostitute ay hindi pa rin makakalusot si Dan sa paglabag sa nasabing batas. Hindi naman kailangang pumayag ng bata sa pinagawa sa kanya dahil hindi ito importanteng elemento ng kaso. Ang matinding takot at pangingimi ni Bella sa ama-amahan ang nagtulak sa kanya na sumama sa mga parukyano nito kahit pa ayaw niyang sumunod. May tinatawag na “moral ascendency” si Dan sa dalagita dahil siya ang nagpalaki kay Bella mula noong isang taon pa lang siya. Ang malinaw niyang layunin na ibugaw o pagkaperahan ang dalagita ay hindi maitatago sa palusot na tinutulungan lang niyang masunod ang ambisyon ni Bella na maging artista. Talagang nagkasala siya para sa isang bilang ng paglabag ng Section 5 (a), RA 7610 at dapat makulong ng 14 na taon, 8 buwan at 1 araw hanggang 17 na taon, 4 buwan at 1 araw at magbayad ng multa na ?20,000 at danyos na ?50,000 (People vs. Delantar, G.R. 169143, February 2, 2007).

CRIME PNP CRIME LABORATORY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with