^

PSN Opinyon

Enjoy lang sa pagod

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Mga kapatid, pagod na ba kayo?

Pagod sa asawa, sa kasintahan. Pagod sa anak. Pagod sa trabaho. Pagod sa problema. Pagod sa kakaisip. Pagod sa buhay.

‘Yung gising ka pero parang lutang. ‘Yung maraming gina­gawa pero walang natatapos.

Normal ‘yan. Tawag d’yan sa psychology: mental fatigue­ o pagod ang isip.

Hindi ibig sabihin nun na tamad ka. Tao ka ring napapagod.

Alam ni Lord ‘yan. Kaya nga sabi Niya: “Lumapit kayo sa akin, kayong nahihirapan at nabibigatan, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.” Mateo 11:28

Kaya kapatid, ENJOY LANG! Paano? Ito ang 3 simpleng Lunas:

1. Huminto ng sandali.

Hindi ka robot. Limang  minuto lang. Umupo. Pumikit. Huminga ng malalim.

Sa katahimikan, nandoon si Lord.

2. Ibigay kay Lord - Pasa Lord.

Kung may “Pasa Load”, Mayron ding “Pasa Lord.” Isulat mo sa papel lahat ng iniisip mo. Tapos dasal: “Lord, pina­pasa ko po ang lahat sa inyo - bahala Ka na. Bathala - Dios kita! Ako’y napapagod na po.”

Ang gaan sa pakiramdam ‘pag naipasa at naibuhos kay Lord.

3. Matulog ng Maayos.

Ang pahinga ay hindi katamaran. Utos ‘yan ng Diyos.

Sa mga Hudyo, ‘yan ang “Sabbath.”

Swak na swak ngayon - Sabado! Pahinga, kapatid.

“Maaga sa paggawa, maaga sa pagtulog.” Para kinabu­kasan, may lakas ka ulit.

Tandaan:

Ang bawat Gising ay Blessing!

Hindi mo kailangang solusyunan lahat ngayon.

Isang araw lang muna. Isang problema lang muna.

Kaya ngayong araw, ENJOY LANG!

Magpahinga. Ngumiti. Magpasalamat.

Damang-dama mo ang pag-ibig at pag-aalaga ni Lord, ni Jesus.

Bendisyunan po kayo ng Poong Maykapal!

Kita-kits ulit tayo bukas, Linggo, sa isa pang “Enjoy Lang!”

KAPATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with