^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala sa mga ‘narcopolice’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Babala sa mga �narcopolice�

MATINDI ang banta ni Pres. Duterte sa mga pulis na sangkot sa illegal drugs. Sabi niya, kapag nagkrus daw ang landas nila ng mga pulis na sangkot sa shabu o droga, papatayin niya. Hindi raw siya nagbibiro. Matagal na raw siyang nagbabala sa mga ito.

Nagtalumpati sa isang pagtitipon si Duterte sa Cebu City noong nakaraang linggo at dito niya ginawa ang pagbabanta sa mga pulis na sangkot sa illegal drugs. Karamihan aniya ay pumapasok sa ganitong illegal na gawain dahil malaki ang kinikita. Pero babala niya, mamamatay ang mga pulis na nabubuhay sa ganitong masamang gawain.

Mariiin niyang sinabi na sa Cebu City mismo ay maraming pulis na sangkot sa illegal na droga. Bukod daw sa nagbebenta ay gumagamit pa ang mga ito.

Noong nakaraang linggo, isang pulis ang nahuli ng mga kapwa pulis nang maaaktuhang gumagamit ng shabu sa isang drug den sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. Bukod sa pulis, tatlong iba pa ang nahuli habang nagsa-shabu. Ayon sa mga pulis matagal na nilang minamanmanan ang bahay na ginagawang drug den pero hindi nila inaasahang ang madadakma roon ay “kabaro” nila.

May mga pulis na nire-recycle ang mga nakukumpiskang shabu. Isang pulis Maynila ang ina­resto ng PDEA nang mahulihan ng kilong shabu sa sasakyan nito. Ang pulis ay naka-assign sa drug enforcement unit ng Manila Police District. Ayon sa report, ang mga nakukumpiskang shabu ng pulis ay nire-recycle at ibinabalik sa kalsada. Sa laki ng kita, maraming ipinagawang bahay ang pulis at maraming sasakyan.

May katwirang magalit si Duterte sa mga “narcopolice” at hindi masisisi kung sabihin niyang papatayin ang mga ito. Punumpuno na ang Presidente kaya marahil nasabi ang ganito. Sa kabila na nilakihan na niya ang suweldo ng mga pulis, gumagawa pa rin ng kasamaan. Nagagawa pa ring magbenta at gumamit ng illegal na droga. Kahit sino ang lumagay sa katayuan niya, maiisip na patayin ang mga “narcopolice”.

vuukle comment

NARCOPOLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with