^

PSN Opinyon

Sigalot

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAAYOS pa kaya ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait? Tila wala pang gustong kumilos para ayusin ang naganap na “misunderstanding” kung ang mga opisyal ng Pilipinas ang tatanungin, at krimen naman kung ang mga opisyal ng Kuwait ang kakausapin. Kailan lang ay pinutol ng Kuwait ang tubig at kuryente sa tahanan ni dating Amb. Renato Villa. Siguro para ipahiwatig ang kanilang utos na umalis na nga si Villa sa Kuwait. Nakabalik na si Villa sa bansa. Walang daw pinagsisisihan. Ayon naman kay DFA Sec. Alan Cayetano, wala raw krimeng naganap sa pagligtas sa mga OFW na minamaltrato, pero inaayos na raw ang gusot, at malapit nang magkaroon ng pagkakaintindihan.

Ganito nga ang katayuan ng administrasyon. Walang krimeng naganap. Pero may paglabag umano sa Vienna Convention for Diplomatic Relations. Kung ang Kuwait o ibang bansa tulad ng US kaya ang nagligtas ng kanilang kababayan nang walang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad ng Pilipinas, ano ang sasabihin ng DFA, ng Palasyo? Palagi nating naririnig mula sa administrasyon na walang karapatang makilam ang ibang bansa sa mga kalakaran ng bansa. Hindi ba ganun din ang sasabihin ng ibang bansa sa atin? 

May mga warrant of arrest pa para sa ilang empleyado ng embahada ng Pilipinas. Pero giit ni Cayetano, walang krimeng naganap at may diplomatic immunity sila. Sa embahada na nga daw tumitira ang mga hinahanap ng otoridad ng Kuwait. Wala silang magagawa kundi hintayin kung maaayos ang problema ng dalawang bansa. 

Sana nga ay maayos ang problema. May higit 200,000 Pilipino na nagtatrabaho sa Kuwait. Kung masama na talaga ang sitwasyon ng mga OFW sa Kuwait, dinggin na nila ang panawagan ni Pres. Duterte na umuwi na sila at sasagutin daw niya lahat. Hahanapan din daw ng trabaho. Sa ngayon ay walang linaw kung matutuloy pa ang kasunduan para mas mabigyan ng proteksyon ang mga OFW sa Kuwait. Kung matigas lang din ang katayuan ng dalawang bansa, baka wala na ngang mangyari.  

vuukle comment

DFA SEC. ALAN CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with