^

PSN Opinyon

Nagka-pikunan

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

LUMAYAS na ng Philippines my Philippines si Kuwait Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh ito ang ibinulong ng NAIA Immigration sa Terminal 1.

Sumakay ng Kuwait airways si Musaed ng hindi man lang nag-say goodbye sa airport dahil tahimik itong umalis  bandang-alas 10:10 the other night.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinaalis ng Kuwait government si Saleh mula sa bansa kasunod nang pagpapalayas nila kay Philippine ambassador to Kuwait Renato Villa.

Gusto Ng DFA, na hingan nila ng paliwanag si Ambassador Saleh hinggil sa isyu.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang  pag-rescue ng Philippines my Philippines officials sa  ilang bebot na household workers mula sa kani- kanilang employers sa Kuwait ang naging ugat ng nasabing pagpapaalis sa mga envoy mula sa dalawang countries.

Abangan.

Backlog sa plates at licenses matatapos na?

Matutugunan na ng DOTr ang problema sa backlog ng motor vehicle license plates up to September.

Naku ha! 

Totoo kaya ito o drawing lang?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pamamagitan ng kanilang bagong bukas na license plate facility ay kaya nilang magawa ang 22,000 car plates everyday.

Naku ha!

Totoo kaya ang plano?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang backlog sa license plates ng mga regular vehicles ay nasa 3.8 million mula Hulyo 2016 up to March 2018 habang may 5.2 million ang backlog sa mga plaka para sa motorsiklo.

Nabatid na pito ang gagamiting  “calibrated” at “fully ope­rational” na manual embossing machines sa pasilidad na matatagpuan sa LTO Main Office compound sa Quezon City.

Bahagi ito ng P978.8-million contract na naglalayong solusyunan ang problema sa car plate requirements.

Abangan.

vuukle comment

KUWAIT AMBASSADOR MUSAED SALEH AHMAD ALTHWAIKH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with