Gamot para sa medical mission

MASUWERTE tayo at marami nang generics na botika sa ating bansa. Dahil dito, mas mababa na ang presyo ng gamot. Sa aming mga medical mission, kung dati-rati ay isang box lang ng gamot ang mabibili ng P5,000, ngayon ay dalawang box na ang mabibili.

Sa mga taong nais gumawa ng sarili nilang medical mission, heto ang lista ng ilang mga gamot na aming ginagamit. Mahirap sumabak sa medical mission kung kulang ang inyong mga dalang gamot.

Tandaan: Ang listang ito ay para lang sa mga doktor at nangangasiwa ng medical mission. Huwag inumin itong mga gamot ng walang pahintulot ng inyong doktor.

1. Para sa ubo at plema:

a. Para sa matanda: Carbocisteine 500 mg capsule, 3 times a day.

b. Para sa bata: Carbocisteine 250mg/5 ml suspension, Carbocisteine 125mg/5 ml suspension.

2. Antibiotics para sa matinding impeksyon:

a. Para sa matanda : Amoxicillin 500 mg capsule, 3 beses sa isang araw.

Co-Amoxiclav 375 mg tab, 3 beses sa isang araw.

b. Para sa bata: Amoxicillin 250mg/5 ml suspension, Amoxicillin 125mg/5 ml suspension, Amoxicillin drops

3. Para sa lagnat o kirot:

a. Para sa matanda: Paracetamol 500 mg tablet at Mefenamic 500 mg capsule,

b. Para sa bata: Paracetamol 250mg/5 ml suspension, Paracetamol 125mg/5 ml suspension at Paracetamol drops.

4. Hika o asthma:

a. Para sa matanda: Salbutamol 2 mg tablet, 3 beses sa isang araw.

b. Para sa bata: Salbutamol syrup

5. High blood:

a. Amlodipine 5 mg tablet, 1 beses sa isang araw.

b. Metoprolol 50 mg tablet, 2 beses sa isang araw.

c. Losartan 50 mg tablet, 1 beses sa isang araw.

d. Captopril 25 mg tablet, 2 o 3 beses sa isang araw.

6. Diabetes:

a. Metformin 500 mg tablet, 1 hanggang 3 beses sa isang araw.

b. Gliclazide 80 mg tablet, 1 hanggang 2 beses sa isang araw.

7. Gout: Allopurinol 100 mg o 300 mg tablet, 1 beses sa isang araw.

8. Allergy, Kati:

a. Para sa matanda : Diphenhydramine 25 mg tablet

b. Para sa bata : Diphenhydramine syrup

9. Para sa ulcer:

a. AlOH plus MgOH tablet, 3 beses sa isang araw

b. Ranitidine 150 mg tablet, 1 o 2 beses sa isang araw.

10. Diarrhea o pagtatae: Oral rehydrating solution o ORS.

11. Anti-Parasitic o pampurga: Mebendazole syrup o tablet

12. Mga bitamina: Ferrous sulfate tablet, Vitamin B tablet, Multivitamin capsule o syrup, Ascorbic acid tablet o syrup.

Show comments