Free ride sa Undas

MILYON na naman katao ang pihong daragsa sa mga sementeryo sa araw na ito kaugnay ng paggunita natin sa ating mga yumao sa araw ng Undas.

Napakaganda nitong napasimulang programa ni dating­ Kogresista Benjamin “Atong” Asilo na ipinagpapatuloy niya kahit hindi na siya isang mambabatas.

Sa araw na ito ay nagtalaga siya ng walumpung sasakyan na maghahatid sa mga residente ng Tondo 1 na dadalaw sa kanilang mga yumao sa Manila North Ceme­tery.

Nasa 20-libong residente ng Tondo ang inaasahang makikinabang sa proyektong ito. Kaya mula pa nga­yong alas-siyete ng umaga hanggang alas tres ng hapon ay magseserbisyo ang mga sasakyang ito na ginagawa taun-taon.

Kaya para sa mga gustong makibahagi sa programa, ang mga terminal ng libreng sakay ay nasa Pritil, Dagu­pan, Mata, Quezon, Moriones, Zaragoza, Tuazon/Lakan­dula, at Smokey Mountain sa Balut.

Si Asilo rin ang nagtatag ng proyekto sa libreng crematorium na magseserbisyo sa mga residente ng Tondo 1 nang walang bayad.

Kung yung ibang pulitiko ay habang nasa puwesto lang kung magserbisyo, kakaiba itong si Atong. Tingin ko ay nasa puso ang hangaring makapaglingkod sa madla at ito’y hindi lamang bunsod ng pulitika kundi ng adbokasyang mula sa puso.

Muli naman tayong nagpapaalala sa mga pamil­yang magtutungo sa sementeryo na siguruhin na kung walang maiiwan sa inyong tahanan ay nakakandado ito para huwag kayong pasukin ng mga masasamang loob.  Ang Undas kasi ay panahon ding inaabangan ng mga akyat bahay dahil alam nilang maraming tahanan ang hindi nababantayan sa ganitong mga panahon.

Show comments