Meiring

SA tinagal-tagal ng panahon simula pa noong May 2002 nang nangyari ang explosion sa loob ng isang silid sa Evergreen Hotel na kung saan nasaktan ang isang British-American na si Michael Meiring ngayon lang nalaman ng buong sambayanan na walang ni ‘ha’, ni ‘ho’ na binigkas ang United States sa pangyayari.

Ganito kasi ‘yon, mayor pa noon si President Duterte dito sa Davao City nang may sumabog na bomba sa loob ng silid ni Meiring na ang resulta ay naputulan siya ng dalawang paa.

Ang problema kasi ganito, habang na-confine sa Davao Doctors Hospital si Meiring ay bigla ba naman siyang kinuha na walang paalam sa local authorities kahit na may kaso pa siyang kinakaharap dito. 

Ni hindi pa nga naiimbestigahan  nang maayos ang insidente ay may sumundo ng isang Citation aircraft at FBI agents na dumukot kay Meiring papuntang Singapore at kalaunan ay pinauwi ng US.

Iyon ang ikinagalit ni President Duterte dahil ‘yon nga ay nagpakita ng pagka-walang respeto sa local authorities at maging sa ating batas ang mga Amerikano sa ora-orada nilang pagdukot kay Meiring na wala talagang paalam.

At ang mas masaklap ay hanggang ngayon ay ni hindi man lang nagpadala ng report o anong note ang US ukol sa insidente. 

May pinaghuhugutan ng sama ng loob si President Duterte sa US dahil nga sa hindi pagrespeto nito sa kaso ni Meiring.

Para nga raw Batman and Robin mystery ang kuwento ni Meiring na ayon sa Presidente ay siya mismo ay hindi alam kung ano talaga ang nangyari at bakit.

Nangako raw noon si dating US Ambassador Francis Ricciardonne na gagawa ng imbestigasyon ang Embassy at bibigyan si noo’y Mayor Duterte ng kopya ng resulta ng pagsisiyasat, ngunit walang nangyari hanggang ngayon.

At ang mas masaklap ay noong panahon ng kampanya sa May 9 elections na kung saan may isang umano’y nagpakilalang CIA agent na sinabihan si PresidentDuterte na kalimutan na lang ang lahat sa Meiring case. 

‘Yun ang hindi matanggap ng Presidente.

Show comments