INC kay Recom

Si NPC mayoralty candidate Rep. Recom Echiverri ang inendorso ng Iglesia Ni Cristo bilang alkalde ng Caloocan City para sa halalan sa Lunes (May 9).

Ano ba ang importansiya ng endorsement ng INC?

Sagot - una laglag agad ang kalaban may solid votes sila. Ikalawa, malaking bagay kasi may sariling survey ang INC sa kanilang mga miembro at alam mo na ang kahihinatnan tulad sa Caloocan mahihirapan na si Mayor Malapitan na talunin si Recom.

Bakit si Recom at hindi si Oca ang inindorso ng INC?

Tiyak may problema?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Recom mula ng pumasok sa politika dyan sa Caloocan ay hindi pa natatalo sa halalan. Kahit si Oca ay tinalo na nito sa eleksyon.

Sa puntong ito pinasalamatan ni Echiverri si Kapatid na Eduardo Manalo, tagapamahalang pangkahalatan at ang kapatiran ng INC sa tiwalang ipinagkaloob nila rito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa suporta ng INC kay Echiverri ay lalo pang lumaki ang kalamangan nito kay Oca.

Sinabi ni Echiverri,  na hindi niya ito bibiguin sa ginawang pagsuporta sa kanya ng INC at ang madlang residente sa Caloocan City.

“Makakaasa po kayo ng dagliang pagbabago ng lungsod patungo sa isang maunlad at masiglang Caloocan na puno ng mga programa at proyektong pakikinabangan ng madlang residente rito.’ sabi Echiverri.

Kamakailan nagpalabas nang survey ang Innovative Politics.Com., last May 1 to 3, ang resulta ay 60% ang nakuha ni Echiverri sa 18,800 respondents si Malapitan ay nakakuha lamang ng 35 percent, habang nananatiling 5 percent  ang undecided.

Sa pinakahuling survey ng INNOPOL.COM, tumaas pa ang lamang ni Echiverri ng 9 percent habang si Malapitan ay bumaba pa 9 percent.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang pag-endorso ng INC kay Recom, tataas pa ng 20% ang boto nito kung kaya’t malinaw na isang landslide victory ang makukuha ng nagbabalik na alkalde.

Ayon kay Prof.Ernie Radin, nanguna sa pagsasagawa ng survey at pag-aaral, kanilang isinama sa pagtatanong kung sino ang kanilang pipiliin mayor, vice mayor ng lungsod sa Mayo 9.

Lumabas sa survey, na pinili ng nakararaming residente ng Caloocan si Echiverri dahil nakita nila ang paggalang nito sa mga hinaing at kagustuhan ng madlang residente todits.

Malinaw sa sagot ng mga respondents, na nagustuhan at ibabalik nila si Recom dahil sa palagiang konsultasyon na ginagawa nito sa komunidad upang itanong ang gusto nilang programa at proyekto.

Lumabas din na sawang-sawa na ang mga residente ng lungsod sa isang “authoritarian style” ng liderato na kung saan ganito nila isinalarawan ang Malapitan administration.

“Ang gusto ng madlang people sa Caloocan ay isang lider na kanilang nakakasalamuha at nagtatanong sa kanilang mga problema at kung anong tulong ang dapat gawin.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Tumatak sa madlang residente na si Recom ay isang lider na mabilis umaksyon at hindi pakamut-kamot ng ulo kapag may problema dahil agarang nitong isinasakatuparan ang mga dapat tulungan lalo’t mga mahihirap.

Hindi rin nagustuhan ng residente ng lungsod ang mga pa poging pagawain ni Malapitan dahil malinaw sa resulta ng survey na ibabalik nila si Echiverri dahil sisid o ibinababa nito ang mga programa at proyekto sa ibaba kagaya ng konsultasyon sa tao at barangay, libreng gamot sa mga health centers, pabahay sa mga maralita, livelihood programs sa mga kababaihan at ipinararamdam na pagkalinga sa mga bata at senior citizens.

Nakita rin sa survey, na gusto ng taga-Caloocan ng mapayapang lungsod na ligtas sa demolisyon, sunog, droga at kriminalidad kaya’t ibabalik nila si Echiverri dahil naging magulo at marumi ang lungsod sa pamamahala diumano ng kasalukuyang alkalde.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Radin ay isang propesor sa Adamson University, Emilio Aguinaldo College at ABE International College. Siya rin ay bihasa sa Field Marketing Research,kaya naman maraming kompanya ang kumukuha sa kanya para sa pag-aanalisa at pag-aaral.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, patuloy na dinadagsa ang mga pagpupulong na isinasagawa ni Echiverri sa mga barangay kasabay ang pagsasabing iboboto nila si Recom dahil sa programa nitong HELPS, na lubhang tumatak sa mamamayan ng lungsod dahil ito ang kailangan ng kasalukyang panahon.

Ang HELPS ni Echiverri ay tututok sa H-Health, E-Education, L-Livelihood and Employment, P-Peace and Order at S-Shelter, Senior Citizens at Sectoral Representation for Policy Making

Layunin ni Echiverri na ibalik ang sigla sa Caloocan sa pamamagitan ng pagtutok sa HELPS dahil ito ang kanaligtaan ng kasalukuyang liderato.

Abangan.

Damaging kay Duterte

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, two days from now ay election na, pero hindi mai-ikaila na ang exposee ni Senator Trillanes against Mayor Duterte ay talagang damaging.

Ika nga, aray koh!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit hindi harapin ni Duterte ng head on ang issue na meron syang diumano’y itinagong yaman sa bangko na hindi naka-reflect sa kanyang Statement of Assets, liabilies and networks o SALN?

Pangalawa, ang kanyang mga anak ay meron din diumano’y mga tagong yaman sa bangko na hindi rin naka-reflect sa kanilang mga SALN?

Ang dalawa niyang anak ay nasa gobyerno at kailangan ideklara nila ito.

Pangatlo, ang mga ari-arian nila na diumano’y mga lupa at bahay na hindi rin nakadeklara sa kanilang SALN.

Ang mga isyung ito ay katanungan na nasa isip pa rin ng 25% ng mga botante sa Philippines my Philippines.

Ang numerong ito, sabi nga, “can make or break” sa ganitong close fight na labanan.

At bukas sa paglabas ng madlang people mula sa kani-kanilang simbahan, maging katoliko man, protestante, sabadista o mga Christian Born Again. Meron sintimientong mabubuo na damaging kay Duterte.

Abangan.

Show comments