^

PSN Opinyon

Huwag maging kampante

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA panahon ngayon, kailangan na talagang mag-ingat sa lahat ng pagkakataon. Hindi puwede maging kampante dahil lang sa pamilyar ang kausap o dati nang kilala. Katulad ng magkasintahang negosyante na pinatay ng mga kagrupo sa buy and sell ng sasakyan noong Sabado ng umaga. Nagtungo sa Naic, Cavite ang mga biktima para bumili ng sasakyan. Dala nila ang P300,000. Nang dumating sa pinag-usapang lugar, pinagbabaril ang dalawa at kinuha ang pera. Pero nahuli rin kaagad ang isa sa tatlong kriminal dahil sa naiwang cell phone ng biktima sa sasakyan. Nalaman ng pulis na siya ang huling nakausap ng biktima. Nagpunta pa nga raw sa punerarya ang isa sa mga suspek, siguro para siguraduhing patay na dahil kilala nga sila. Nahuli na ang tatlong kriminal na nagturuan na rin.

Uso ngayon, dahil na rin sa social media, ang magkita na lang sa isang lugar para magtransaksyon. Maraming website kung saan puwedeng magbenta ng kahit anong bagay, at ang kadalasang usapan ay kaliwaan kapag nagkita. Kung ganun, dapat piliin ang lugar kung saan magkikita. Dapat matao, maliwanag at kung maaari, huwag pumunta mag-isa. Ang lugar kung saan binaril ang dalawang biktima ay tila hindi mataong lugar. Doon pa lang ay dapat hindi na pumayag ang magkasintahan, pero dahil kilala nga nila ang kausap, hindi nangamba. Kung sa banko na lang sana sila nagkita, baka ligtas pa sila ngayon.

Kapag malalaking halagang pera na ang pinag-uusapan, dapat sa banko na ginagawa ang transaksyon. Mas maganda pa nga kung wala nang cash na ilalabas, at lipatan na lang ng pera ang gagawin, o kaya tseke na isyu ng banko para walang hinalang tatalbog. Peligroso na talaga magdala ng cash. At tulad nga ng una kong sinabi, hindi puwede maging kampante, kahit kilala pa ang kausap.

Marami ang nasa ganitong negosyong buy and sell ng sasakyan. Sana magsilbi na itong babala sa lahat ng namimili ng sasakyan. Mas ligtas kung may puwesto ang nagtitinda. Iwasan ang makipagkita na lang kung saan-saan, lalo na kung bayaran na. Mag-ingat na rin sa mga nakaw na sasakyan na binebenta. Siyasatin kung maayos ang mga papeles. Sakit lang ng ulo kung makakabili ng nakaw na sasakyan. Matatangay na ang sasakyan, baka hindi pa bumalik ang perang ibinayad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with