^

PSN Opinyon

2 puntos para kay Grace!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKA-DALAWANG puntos na si independent presidential candidate Grace Poe kaugnay ng kinakaharap niyang disqualification case:

Ang una ay nang magpalabas ng TRO ang Korte Suprema laban sa disqualification ng COMELEC laban kay Grace dahil hindi raw natural born Filipino at; ang pangalawa ay ang pagkatig ng Solicitor Gene­ral na abogado ng pamahalaan sa naunang desis­yon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na nagbabasura sa petisyon laban kay Poe ni Rizalito David na batid nang marami kung ano. Anang SolGen – ang opi­nion ng SET na si Poe ay natural born Filipino citizen ay tama.

Problemado ngayon ang COMELEC. Walang mag­tatanggol sa disqualification nito kay Grace sa gaganaping oral argument sa Korte Suprema sa Enero­ 19. Ang tagumpay na ito ni Grace ay tagumpay rin ng bawat Pilipinong foundling o napulot at inampon na ang lahat ng karapatan bilang mamamayang Pilipino ay dapat pangalagaan.

Hindi pa tapos ang laban ni Grace pero ito ay isang malaking tagumpay at pahiwatig na umaayon sa kanya ang mabuting kapalaran.

Dapat pasalamatan si Solicitor General Florin Hilbay at ang kanyang pangkat ng mga de kalibreng abogado sa desisyong ito na pumapabor kay Grace. Sa halip na ang COMELEC ang kakatawanin nito sa Supreme Court sa oral argument, kakatawanin nito ang SET na naunang nagbigay ng paborableng desis­yon para kay Grace sa oral argument sa Ener­o 19. Tahasang sinabi ng SolGen na walang grave abuse of discretion na ginawa ang SET sa desisyon nito  na si Poe ay natural born citizen at legal na nakuhang muli ang citizenship niya bilang Pilipino sa ilalim ng Republic Act 9225 matapos legal na talikdan (renounce) ang kanyang foreign citizenship. Dagdag pa ng SolGen “Poe’s use of her US passport cannot be considered a recantation of her renunciation of US citizenship.” Naniniwala ako na ang mga bagong developments na ito ay gagabay sa ating pinagpipitaganang Korte Suprema upang makapagpalabas ng tamang desisyon sa usapin.

ACIRC

ANG

GRACE

GRACE POE

KORTE SUPREMA

PILIPINO

REPUBLIC ACT

RIZALITO DAVID

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SHY

SOLICITOR GENE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with