SILG Sarmiento vs. ‘paihi operation’ sa Bataan

MISTULANG ‘bulag, pipi at bingi’ ang mga bugok na opisyal ng PNP -  Region 3 at ang regional intel group nila, PNP-Bataan, NBI, Philippine Coast Guard, Maritime police, mga burongoy kawatan dahil kasabwat ang mga ito sa  ‘black gold operation’ o paihi sa Bataan.

Bakit?

Sagot - malaking pera ang ibinigay bilang lagay sa mga bugok pagdating sa kalakaran galing sa sindikato ng paihi?

Ang paihi, ay ‘smuggled’ na langis na sinisipsip o hinihigop mula sa delivery bunker na nakadaong sa karagatan ng Limay, Bataan at inililipat ang mga kontrabando sa dalang bangkang na mukhang mga fishing vessels na dumidikit sa mga bunkers habang pasayaw-sayaw ito sa laot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming taon nang nagpapasasa ang mga bugok na authorities sa Bataan dahil hindi birong salapi ang pantapal ng mga sindikato ng paihi sa mukha ng mga suwapang na autoridad. Take note, SILG Senen Sarmiento, Your Honor !

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na nagkaroon ng balasahan tiyak walang pagbabago dahil kakausapin lamang ng mga bigtime paihi operators ang mga bagong palit tiyak kasama na sila sa kalakaran.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa huling impormasyon natanggap ng mga asset nagpulong ang mga bigtime operator ng paihi para mag-ambagan at ipadala ang salapi diumano sa tanggapan ni SILG Sarmiento?

Naku ha.

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat aksyunan, manmanan at ipakulong ni SILG Sarmiento ang mga bugok na tauhan ng gobierno sa Bataan dahil pati siya ay nakakaladkad sa operasyon ng paihi.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Oscar ang gumagasgas at gumagamit sa mga pangalan nang matataas na opisyal ng kapulisan sa Region 3 at sa Olongapo tungkol ito sa P1.7 million ‘tara’ diumano na ibinibigay ng damuho sa mga bugok na police officials? Take note, SILG Sarmiento, Your Honor!

Abangan.

CCTV negotiated procurement sa NAIA T1, 2 at 4

GUSTO ng gobierno na mawala sa isipan ng madlang people hindi lamang sa Philippines my Philippines ang nangyaring  ‘tanim - bala ‘ extortion scandal sa NAIA kundi pati sa mga dayuhan na natatakot magpunta sa atin dahil sa usaping ito na kumalat sa buong mundo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakahanap tuloy ng pag-iwas sa isyu ang MIAA bright officials dahil itutuloy na nila ang P486 million worth of closed circuit television system para sa isang negotiated procurement matapos ang dalawang ‘failure of bidding.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon bago pa simula ang betting este mali bidding pala umugong na ang usapin diumano’y ‘negotiated sale’ ang mangyayari sa subastahan blues dahil may grupong sinasabing Kamag-anak Incorporated diumano ang interesado sa malaking halagang premyo este mali presyo pala ng CCTV na ikakabit para magamit sa NAIA terminals 1, 2 at 4.

Ika nga, mahigit sa  P700 million ang unang pinag-uusapan halaga ng salapi para sa CCTV at command center na gagamitin sa tatlong terminal ng paliparan bumaba ito after dalawang subastahan blues ng P486 million na lamang.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa dinami-dami ng mga sumaling bidders sa subastahang pinag-uusapan natin naglaglagan ang halos lahat sila,  kaya ngayon ‘negotiated procurement’ na lamang ang itinutulak. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa isyu ng ‘tanim-bala’ extortion scandal sa NAIA marami ang umaasa at nagmumuni-muni sa isyu ng ‘negotiated procurement’ ng CCTV project.

Kung noon pa man ay inatupag nang totohanan ang paglalagay ng mga cctv cameras sa NAIA T 1, 2 at 4 hindi na sana nangyari ang ‘tanim - bala’ extortion scandal o kung mangyari man huli as in sakote ang gumawa nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga foreign companies at mga kasama nila sa joint ventures na sumali sa subastahan blues sa NAIA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kabilin-bilinan pa noong unang saltada ay hindi puedeng gumamit ng ‘made in China products’ para sa CCTV projects.

Kaya naman nagpagalingan ng mga produkto ang mga sumali sa bidding noon talagang may kamahalaan ang kanilang produkto dahil hindi biro ang mga ito.

Ika nga, pati anino ng tinga mo makikita sa CCTV camera oras na tinututukan ka ng camera operator.

Tanong - ano ang nangyari?

Sagot - hayun laglag silang lahat. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naging kontrobersyal ang usapin subastahan blues sa MIAA kahit hindi pa naguumpisa ito dahil may pumutok na balitang isa sa mga outsider official na bitbit ni MIAA general manager Angel Honrado ay diuamno’y tumanggap ng P5 million sa isang kumpanya na sasali sa bidding para mapaboran ito.

Tanong - ano ang nangyari sa opisyal?

Sagot - sa kahihiyan nagbitiw dahil ang bintang ay walang katotohanan daw?

Sino siya?

‘Huwag na natin pangalanan.’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos magbitiw ang top brass opisyal na bitbit ni Honrado ay sinundan pa ito nang isang irrevocable resignation ng isang military general na ‘batch mate’ at bitbit din ni Honrado matapos silang magkasigawan sa opisina nito dahil sa diumano’y mga sumabit sa lagayan kaya naman pinalamig muna ang subastahan blues ng napakatagal para diumano’y makalimutan ang tsimis?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon dahil sa napabalitang negotiated procurement regarding sa CCTV project dalawa sa mga bidder ang nagpa-sampal este mali nag-sampa pala ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kina Honrado et al.

Abangan.

Show comments