Init
- Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2015 - 12:00am

RAMDAM n’yo na ba mga suki ang init ng kapaligiran? Ito na ang simula ng summer season kaya, payo ko, ibayong pag-iingat sa lahat ng bagay dahil madali itong dumingas. Katulad ng disiplina sa mga lansangan dahil karamihan sa mga drayber sa ngayon ay palaging maiinitin ang ulo na humahantong sa away. Nawa’y maging “eye opener”  sana sa lahat ng mga drayber itong nang­yaring pamamaril kay Quezon City Hall-Business Permit and Licensing Officer  Michael Martinez noong Sabado ng madaling araw. Ayon kasi sa mga nakasaksi sa krimen, binabagtas umano ni Martinez ang tulay sa Judge Jimenez Street nang makagitgitan nito ang isang puting SUV na walang plaka. Hinabol ito ni Martinez hanggang sa may kanto ng E. Rodriguez Avenue at doon nga nasukol ang SUV at doon na rin nagsimula ang bangayan hanggang makarinig ang mga saksi ng sunod-sunod na putok mula sa apat na suspek na sakay ng van.

Blanko ang mga kapulisan sa pagkilala sa mga suspek dahil walang CCTV sa naturang lugar, kayat mga suki mag-ingat sa pagmamaneho at maging mahinahon nang maiwasan ang umbagan sa daan. Mainit na mainit na rin ang bakbakan sa Maguindanao matapos na maglunsad ng opensiba ang AFP at PNP sa BIFF at paghanap kay Basit Usman. Kaya ang ilan nating mga kababayan ngayon ay kumakanlong sa mga evacuation center. Sa Metro Manila naman walang humpay ang pananalakay ng mga riding-in-tandem dahil karamihan sa mga pulis sa ngayon ay abala sa pagharang sa mga protest rally kay P-Noy. Abala rin ang ilang kapulisan sa pangungulekta ng intelehinsiya sa illegal gambling, prostitution den at iIllegal vendors sa mga lansangan kung kaya nakakalimutan na ang pagsawata sa salot na droga. Hehehe!

Mainit na mainit din ngayon ang bentahan ng droga sa mga estudyante sa mga Café Shop, Bistro Bars at gimikan malapit sa mga unibersidad dahil kulang ang pangil ng kapulisan at ang pagpabaya ng mga magulang. Sa ngayon na tumi­tindi ang init halos araw-araw o gabi-gabi may sunog, sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection umaabot na sa 2, 000 sunog na ang naganap na kung saan umabot na sa 17 ang patay at 50 ang sugatan. Kaya ang panawagan ko mga suki, palaging mag-tsek ng inyong LPG tanks dahil ito ang isa sa pangunahing dahilan ng sunog. Ilayo ang mga kandila at lampara sa kurtina at madidingas na bagay, iwasan ang octopus connection ng inyong ap­pliances at gadgets dahil pagnag-over load ang inyong outlet tiyak na sunog ang dulot. At dahil nga sa Fire Prevention Month ngayon nais kung buskahin ang mahiwagang jammer na gumagamit ng frequency ng TXT Fire, dahil sa ugok na ito nasisira ang Motorolla Communication ng fire vo­lunteers. Magtulungan tayo para maiwasan ang init sa kapaligiran, disiplina lamang ang kailangan upang makaiwas sa sakuna.

BASIT USMAN BISTRO BARS BUREAU OF FIRE PROTECTION DAHIL FIRE PREVENTION MONTH JUDGE JIMENEZ STREET KAYA MAINIT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with